Connect with us

Showbiz

Buhay ni “Badjao Girl” Rita Gaviola ngayon, alamin!

Avatar

Published

on

Sabi nila, ang tunay na kagandahan ay nasa mga mata ng taong nagtataglay nito. Nararapat lamang na yakapin at pahalagahan mo ang biyayang ito na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.

Hindi naman lahat ng tao ay pinagpala ng angking kagandahan kung kaya na nararapat talagang ipagpasalamat ito dahil hindi lamang ito isang simpleng biyaya, maaari rin nitong mabago ang iyong buhay. Tulad na lamang ng nangyaring maganda sa buhay ng isang magandang dalaga na hindi inakalang magbabago pa pala ang kaniyang buhay dahil lamang sa social media.

Maaalalang taong 2016 nang mag-viral ang “Badjao Girl” na si Rita Gaviola na talaga namang hinangaan ng maraming mga Pilipino hanggang sa ngayon. Nakuhanan siya noon ng isang photographer na nagngangalang Topher Quinto Burgos nang dumayo siya sa Pahiyas Festival ng Lucban Mayo ng taong 2016.

Namamalimos pa noon ang 13 gulang na si Rita. Ngunit kahit pa hindi bago o hindi maganda ang kaniyang kasuotan at may kaunting dungis ang kaniyang panglabas na kaanyuan ay talagang nagningning ang angkin niyang kagandahan.

Sinong mag-aakalang dito pala magsisimula ang kaniyang magandang kapalaran? Malugod na tinanggap sa showbiz si Rita bilang isang modelo, aktres at sumabak rin siya sa ilang reality shows.
Talagang napakahirap ng kanilang pamumuhay noon, tumutulong si Rita sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng panglilimos habang ang kaniyang ama naman ay namumulot ng mga basura at nasa tahanan nila ang kaniyang ina na nag-aalaga sa kaniyang mga kapatid. Sa ngayon ay nakapagpatayo na siya ng isang maayos at komportableng bahay para sa kaniyang pamilya at mayroon na rin silang sarili nilang palikuran.

Pinagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang pag-aaral sa ngayon dahil sa nais pa rin niyang mas masuportahan pa ang kaniyang mga mahal sa buhay. Nais din niyang maging isang ganap na guro upang makatulong pa sa ibang mga kabataang katulad niya.

Tunay ngang napalaki na ng pinagbago ng kaniyang buhay na talaga namang karapat-dapat din sa dalagang ito na hindi lamang maganda, kundi mayroon ding mapagmahal at matulungin na puso.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.