Connect with us

Showbiz

Nobyo ni Kiray Celis mayroong sweet na mensahe para sa dalaga!

Avatar

Published

on

Marahil ay marami na sa atin ang nakaranas na pumasok sa isang relasyon. Talaga namang napakasarap ang magmahal at ang mahalin ka rin ng taong mahal mo. Hindi maipaliwanag ang saya at kagalakang madarama lalo na kung nakakasama natin ang espesyal na taong nagpapatibok ng ating puso. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming mga netizens ang sweetness ng magkasintahang sina Kiray Celis at non-showbiz boyfriend nitong si Stephan Estopia.

Nagbahagi kasi ang binata ng nakakakilig na mensahe para sa aktres. Ayon kay Stephan ay ang kaniyang nobya lamang ang tama at magandang bagay na nangyari sa kaniyang buhay.

Buong puso rin niyang ipinahayag sa publiko ang kaniyang pagmamahal sa dalaga. Pagbabahagi pa ng binate ay nagkaroon na siya noon ng karelasyon na halos tatlong taon rin ang tinagal ngunit hindi rin naman nagtagal.

Para sa kaniya ay nagpasalamat na lamang siya dahil sa mga aral na kaniyang natutunan sa dating naging karelasyon na naihanda siyang mabuti para sa susunod na taong mamahalin niya. Binigyang-diin din niya na mayroon talagang mga taong darating at papasok sa iyong buhay hindi upang magtagal kundi upang turuan ka lamang ng mga leksyon na dapat mong matutunan.


Talaga namang kilig na kilig ang publiko sa mga naging pahayag na ito ni Stephan patungkol sa masaya niyang relasyon ngayon sa aktres. Samantala, ibinahagi naman ng aktres na matagal na pala silang magkakilala ni Stephan dahil sa matalik itong kaibigan ng kaniyang kapatid.

Kamakailan lamang sila naging malapit sa isa’t-isa at nagkapalagayan ng loob. Nagkwento rin naman si Kiray kung gaano siya kamahal ng kaniyang nobyo na mas nauuna pang umiyak sa kaniya kung nagkakaroon sila ng tampuhan o hindi pagkakaunawaan.

Malambing, mabait at magalang ang ilan sa mga naging paglalarawan ni Kiray sa kaniyang nobyo. Tunay nga na mapalad sila dahil sa natagpuan na nila ang isa’t-isa sa ngayon at marami ang nananalangin na sila na nga talaga ang magkatuluyan hanggang sa huli.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.