Connect with us

Showbiz

Elegante at magarbong tahanan ni Dawn Zulueta sa Makati City, silipin!

Avatar

Published

on

Si Marie Rachel Salman Taleon o mas kilala ng maraming mga Pilipino bilang si Dawn Zulueta ay 51 taong gulang na aktres, host at modelo. Siya lamang ang katangi-tanging artista sa Pilipinas ang nakapag-uwi ng dalawang acting awards sa isang awards night ceremony, Best Actress at Best Supporting Actress sa 1992 FAMAS Awards. Siya ay ikinasal kay Antonio Ernesto F. Lagdaméo Jr. na isang negosyante at pulitiko sa Davao Del Norte.

Biniyayaan sila ng dalawang mga anak sina Jacobo Antonio at Ayisha Madlen. Tunay nga na isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaan na artista sa industriya ng show business hanggang sa ngayon.

Ngunit sa kabila pala ng mga nakamit niyang tagumpay sa buhay ay nananatili pa rin siyang simple at mayroong mababang kalooban. Sa katunayan ay mas pinili nilang mag-asawa ang isang classic looking na tahanan at mas komportable kumpara sa noon ay tinitirhan nilang high-rise condo sa Makati City.

ENTRANCE


Sa pagpasok pa lamang sa kanilang tahanan ay talaga namang bubungad na sa iyo ang maaliwalas at napakagandang tahanan ng mag-asawa. Sopistikado at talaga namang napakaeleganteng tingnan ng kanilang tahanan.

LIVING ROOM


Sadyang napakaaliwalas at napakaganda ng kanilang living room. Aakalain mo bang ang kaniyang mister na si Anton ang nagdisenyo ng ilang bahagi nito kabilang na ang kanilang entertainment area?

DINING AREA


Maaaring six-seater lamang ang dining table nila sa kanilang dining area ngunit maaari din itong ma-extend pa at madagdagan ng dalawa pang mga upuan kung sakali may iba pa silang mga bisita. Talaga namang nakakarelaks ang bahaging ito ng kanilang tahanan. Dito din makikita ang isang elegante at napakagandang chandelier nila.

KITCHEN


Mahilig ding magluto ang mag-asawa kung kaya naman binigyan din nila ng atensyon ang pagdidisenyo ng kanilang kusina. Mayroon itong kulay dilaw na mga cabinet at counter top table habang gray naman ang background color ng mga ito. Mayroon din silang sari-saring mga kagamitan sa pagluluto.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.