Connect with us

Showbiz

Ganito pala kaganda ang tatlong palapag na mansyon ni Kim Chiu sa Quezon City!

Avatar

Published

on

Si Kimberly Sue Yap Chiu ay 30 taong gulang na aktres, singer, dancer, at television host. Siya ay tinaguriang “Chinita Princess” at “Princess of Philippine Movies and TV” nang tatlong magkasunod na taon.

Nakilala siya ng publiko nang hirangin siyang big winner ng Kapamilya reality series na Pinoy Big Brother: Teen Edition taong 2006. Mula noon ay naging bahagi na siya ng Star Magic at nagsunod-sunod na ang mga proyektong ibinibigay sa kaniya mula sa mga pelikula, programa sa telebisyon at mga endorsements.

Hindi na rin nakapagtataka na sa edad na 28 taong gulang ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay. Ang kaniyang mansyon sa Quezon City ang isa sa pinakamalaking investment ng aktres. Ang 600 sqm lot na pagmamay-ari ng aktres ay matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Moderno pero elegante at classic pa rin ang tema ng kaniyang tahanan na mayroong tatlong palapag at apat na mga silid. Ang tumulong sa kaniyang maisakatuparan ang kaniyang dream house ay ang design consultant na si Janet Diquiatco-Torio.

Ayon sa ilang mga ulat, nais sana ni Kim na kulayan ng “pink” ang buong bahay nito kahit hanggang sa kisame pa ngunit sinunod din niya ang payo sa kaniya ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Lakambini. Ngunit kahit papaano ay nagawa rin naman ni Kim ang kaniyang gusto na lagyan ng kulay “pink” ang ilan sa mga lugar sa kaniyang tahanan.

FAÇADE


Mayroong “neutral shade” ang labas ng kaniyang magarang tahanan. Mayroon din itong mga “single-pane” na bintana na pinalilibutan ng mga stone columns.

FRONT DOOR


Mayroong mga “mystic knots” sa pintuan ng kaniyang bahay. Mainam daw ito para sa Feng Shui ng kaniyang bahay dahil sa magdadala ito ng swerte at pagkakasundo-sundo sa loob ng tahanan. Bukod dito ay tiyak ding matatagpuan ng may-ari ng bahay ang kaniyang tunay at wagas na pag-ibig.

LIVING ROOM


Nakakarelaks naman talaga ang neutral na kulay ng kaniyang living room. Mayroon ding Egyptian chandelier dito na talaga namang elegante tingnan.

PRIVATE SALON


Si Kris Aquino ang nagpayo sa kaniya na lagyan din ng pribadong salon ang kaniyang tahanan. Nais sana ni Kim na kulayan ang buong kwarto na ito ng pink ngunit pinayuhan siya ng kaniyang interior designer na lagyan ito ng kulay itim.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.