Connect with us

Showbiz

Anak ni Paolo Ballesteros na si Keira, pinamangha ang publiko sa nakakamangha nitong kagandahan!

Avatar

Published

on

Isa na yata sa pinakatalentadong artista sa industriya ng show business si Paolo Ballesteros. Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV o mas nakilala sa kaniyang pangalan na Paolo Ballesteros ay 37 taong gulang na aktor, komedyante, TV host, modelo, at impersonator.

Talaga namang napakahusay din niyang magmake-up na kahit mga international artists ay kayang-kaya niyang kopyahin. Sina Wonderwoman, Mariah Carey, Angelina Jolie at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ilan lamang sa mga kababaihang nagaya na nito.

Hindi mo nga aakalaing si Paolo pala talaga ang nasa likuran ng mga mukhang ito na nagaya na niya noon sa kaniyang mga make-up transformation. Bagamat hindi naman inililihim ni Paolo ang tunay niyang pagkatao sa publiko ay marami pa rin ang nagugulat na si Paolo pala ay isa ring ama.

Talaga namang napakaganda rin ng anak ni EB Dabarkads Paolo na si Keira Claire. Hindi man nagkatuluyan ang kaniyang mga magulang ay hindi ito naging hadlang upang maging masaya sila bilang isang pamilya.


Sa Chicago nakabase sa ngayon ang kaniyang anak ngunit sa kabila nito ay madalas pa ring naglalaan ng oras at panahon si Paolo upang bumisita sa kaniyang anak. Maaaring palabiro sa harap ng kamera si Paolo at likas na masiyahin ngunit isa rin pala itong “disciplinarian” na ama sa kaniyang anak kung kinakailangan.

Ayon sa kaniya ay responsibilidad niya ito bilang isang magulang kung kaya naman talagang dinidisiplina niya rin ang kaniyang anak kung mayroon itong nagawang pagkakamali. Madalas na lamang ng social media account ni Paolo ang kaniyang anak na talaga namang mapalad na nakamana sa angking kagwapuhan at kagandahan ng kaniyang mga magulang.

Minsan pa nga siyang nagbahagi ng video ng kaniyang anak habang suot suot nito ang sarili niyang gawa na bistida. Tunay nga na isang napakagandang halimbawa ng pagiging isang ama ang pinakikita ni Paolo sa maraming mga Pilipino anuman ang kasarian o mga paniniwala sa buhay.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.