Connect with us

Showbiz

Dalagang anak ni Dimples Romana na si Callie, kilalanin!

Avatar

Published

on

Bilang mga magulang, wala tayong ibang nais kundi ang ikabubuti ng ating mga anak. Talaga namang nagsusumikap tayo ng husto upang mabigyan sila ng maayos at komportableng buhay.

Pangarap din nating makapagtapos sila ng kanilang pag-aaral at maging matagumpay sa buhay. Walang makapapantay sa saya na mararamdaman ng isang magulang na nagabayan at natulungan ang kaniyang anak na maging matagumpay sa buhay.

Si Dimples ay isa sa pinakasikat na aktres sa ngayon dahil sa nakakamangha at natatangi niyang pagganap sa “Kadenang Ginto” bilang si Daniela Mondragon Bartolome. Noon pa man ay marami na ang humahangaa sa kaniya dahil sa kaniyang talent sa pag-arte at dahil na rin sa angkin nitong kagandahan.

Maliban sa pagiging mahusay na aktres ay isa rin siyang endorser at author. Tunay nga na maraming natatanging talento si Dimples na iyong kabibiliban.

Maliban sa matagumpay niyang karera sa show business ay mayroon din siyang masaya at kumpletong pamilya. Siya ay kasal sa kaniyang mister na s Romeo Adecer Ahmee Jr. Biniyayaan sila ng dalawang mga anak, sina Callie at Alonzo.

Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng publiko sa maganda at dalagang anak ng aktres na si Dimples. Talaga namang mapalad si Callie dahil namana niya ang angking kagandahan at kagwapuhan ng kaniyang mga magulang.


Suportado ni Dimples at ng kaniyang mister ang pangarap ng kanilang anak na maging piloto at mag-aral sa Australia. Batid din naman ng aktres na makakamit ni Callie ang kaniyang pangarap dahil sa isa siyang masipag na bata.

Sadyang napakasarap sa pakiramdam na mayroon kang mga magulang na nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Mayroong ilang kabataan na hindi naranasan ito at hindi nabiyayaang magkaroon ng isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal at respeto sa isa’t-isa.

Tunay ngang napakasarap magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya hindi ba? Bagamat hindi palaging perpekto ang mga bagay bagay ay napakahalaga pa ring mayroong tunay na pagmamahalan at pagmamalasakitan sa isang sambahayan.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.