Connect with us

Showbiz

Mga anak ni Willie Revillame sa iba’t-ibang mga babae, kilalanin!

Avatar

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ang humahanga at sumusubaybay sa Wowowin host at beteranong komedyante na si Willie Revillame. Isa sa kaniyang mga anak ay si Meryll Soriano na kilalang kilala na ng marami sa atin dahil sa isa rin siyang aktres. Isa pa sa mga anak ni Willie na hindi masyadong kilala ng publiko ay si Marimonte Shanelle Viduya-Revillame. Sa ngayon ay dalaga na siya at nasa ikalawang taon nang estudyante sa Baguio. Malimit namang makikita sa kaniyang social media account ang mga larawan nila ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Meryll.

Bukod kay Merylle at Shanelle ay mayroon pa silang isang kapatid na si Juan Emmanuel. Anak ito ng Kapuso host sa dati niyang asawa na si Liz Almoro. Nagbahagi din ng ilang mga larawan noon si Meryll sa naging bonding moments nila noon sa Tagaytay.

Talaga namang kitang-kita sa kanilang mga larawan kung gaano sila kasaya at kung gaano kalapit ang magkakapatid sa isa’t-isa. Maraming mga netizens naman ang nagkomento na talagang artistahin ang mukha ni Shanelle at maaari talaga siyang pumasok sa showbiz bilang isang artista o kaya naman ay isang modelo.

Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala ng publiko bilang si Willie Revillame ay 58 taong gulang na host, mang-aawit, songwriter, negosyante, aktor at komedyante. Siya ay ikinasal kay Liz Almoro noong Marso 2005 ngunit napawalang-bisa din naman noong 2008. Bago pa man ito ay ikinasal na si Willie sa aktres na si Princess Punzalan ngunit tulad ng kasal niya kay Almoro ay napawalang-bisa na din ito.

Sa ngayon ay wala pang napapabalitang kasintahan ang mahusay na host na labis na minamahal at hinahangaan ng publiko dahil sa kaniyang pagmamahal sa maraming mga Pilipino. Marami na siyang natulungan at nabago ang buhay mula sa mga taong naging kalahok sa kaniyang programa, sa kaniyang mga co-host, at sa iba pang mga tao na kaniyang nabigyan ng tulong.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.