Connect with us

Showbiz

Vanessa Del Bianco ibinahagi ang kaniyang naging buhay matapos iwanan ang show business!

Avatar

Published

on

Si Vanessa Del Bianco ay isang dating artista ng ABS-CBN. Ang Filipina-Italian beauty na ito ay lumaki sa Canada. Isa sa mga naging proyekto niya noon ay ang “Gimik” na naging sikat taong 1990s.

Naging isang guest star siya noon at gumanap ng mga kontrabida roles. Bukod pa rito ay napabilang din siya sa mga cast ng “Magandang Tanghali Bayan” show na programa noon nina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago.

Talaga namang marami ang namangha sa angkin niyang kagandahan at alindog. Hindi na nakapagtatakang maraming mga kalalakihan ang talagang nabibighani sa angkin niyang kagandahan.

Mayroong ilang mga usap-usapan noon na nagkaroon sila ng relasyon ni John Estrada na noon ay kasal pa sa aktres na si Janice De Belen. Mariing itinanggi ng dalawa ang mga usap-usapan na iyon.
Ngunit nang tuluyang maghiwalay si John at si Janice ay tila napatotohanan ang mga sabi-sabing ito. Ayon sa ilang mga ulat noon ay sinundan ni John si Vanessa sa Canada ng umalis ito sa bansa.

Hindi umamin ang dalawa patungkol sa kanilang naging relasyon hanggang sa nagpahayag si John na hiwalay na nga sila. Naging dahilan ito upang batikusin ng publiko si Vanessa na diumano ay naging dahilan upang masira ang pamilya ng dating mag-asawa.

Ilang mga taon na ang lumipas simula noon at sa ngayon ay matahimik at masaya nang namumuhay si Janice at si John. Mayroon nang sariling pamilya si John at napangasawa niya ang isang Brazilian beauty queen na si Priscilla Mereiles.

Nabiyayaan sila ng isang anak. Samantala, nananatili namang ama si John sa anak nila ni Janice. Habang si Vanessa naman ay nagbalik sa kaniyang pag-aaral sa Canada.

Sa ngayon ay isa na siyang Sales Manager sa Mayfair Club at kasabay nito ay nagmomodelo pa rin siya paminsan-minsan. Dumadalaw din siya minsan sa Pilipinas ngunit hanggang sa ngayon ay wala siyang balak na manirahan dito.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.