Connect with us

Amazing

Mahusay na landscape artist nina Manny at Jinkee Pacquiao na siyang nagpapaganda ng kanilang mga hardin, kilalanin!

Avatar

Published

on

Si Jinkee Pacquiao ay isa sa pinakasikat na personalidad ngayon sa bansa. Isa siyang “socialite”, “producer” at dating pulitiko.

Photo credit: Greenstyle.landscapingdesigns instagram

Nasilbi na siya bilang Bise-gobernador ng Saranggani noong taong 2013 hanggang 2016. Kilala din siya bilang misis ng “legendary boxer” at kasalukuyang senador na si Senador Manny Pacquiao. Maliban sa pangongolekto ng mga mamahaling bags, sapatos, mga damit at iba pang mga accessories, isa na ring certified plantita ngayon si Jinkee.

Photo credit: Greenstyle.landscapingdesigns instagram

Sa katunayan pa nga ay madalas na makikita sa kaniyang mga social media accounts ang mga mamahalin niyang koleksyon ng mga halaman. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta na mayroon din naman palang tumutulong sa kaniyang upang mas lalo pang mapaganda ang kaniyang mga tanim na halaman at ang kanilang halamanan.

Photo credit: Greenstyle.landscapingdesigns instagram

Eksperto sa “landscaping” si Roy Bacalso. Nang mag-viral ang mga halaman at hardin ni Jinkee ay talaga namang pinagkaguluhan din ang napakagandang landscape ng kaniyang mga hardin. Si Roy Bacalso ay 42 taong gulang na siya at halos 10 taon na rin siyang nagla-landscape.

Photo credit: Greenstyle.landscapingdesigns instagram

Siya ay naninirahan sa probinsiya ng mag-asawang Pacquiao, ang General Santos City. Nagtatrabaho din siya sa Green Style Landscape and Design. Ayon sa naging panayam sa kaniya ng PEP.ph, masaya niyang ibinahagi na madalas magpa-landscape sa kaniya ang mag-asawa.

Photo credit: Greenstyle.landscapingdesigns instagram

Ilan na nga sa kaniyang naging mga proyekto ay ang mansyon nina Manny at Jinkee, ang Pacman Wildcard Gym, ang The Roadhaus hotel na matatagpuan sa General Santos City. Bago pa man makilala ni Roy ang mag-asawa ay una na niyang nakadaupang-palad ang kakambal ni Jinkee na si Janet.

At ito nga ang naging simula ng pagtatrabaho ni Roy sa pamilya Pacquaio buhat pa noong taong 2012. Masaya siyang makatrabaho sina Jinkee dahil sa hinahayaan siya ng mga itong ipamalas ang kaniyang pagiging malikhain.

Photo credit: Greenstyle.landscapingdesigns instagram

Ilan sa mga mamahaling halaman na inilagay niya na sa hardin ni Jinkee ay ang “variegated Alocasia elephant ear” na isang uri ng “rare plant” na nagkakahalaga ng halos Php25,000. Mayroon ding “variegated giant Monstera”, “giant golden photos”, “sansevieria” at “rare pink princess philodendrons” sa mansion 2 ng pamilya Pacquiao.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.