Connect with us

Showbiz

Mga magagarbo at mamahaling Christmas tree ng mga hinahangaan nating celebrities, silipin!

Avatar

Published

on

Bahagi na ng pagdiriwang natin ng Kapaskuhan ang pagkakaroon ng mga dekorasyon at palamuting pang-Pasko. At isa na marahil sa pinakahihintay natin ay ang pagbabahagi ng ating mga paboritong celebrities ng kanilang mga Christmas tree para sa panahong ito ng Kapaskuhan. Narito ang ilan sa kanila:

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA


Napakaganda at napakalaki ng Christmas ng mag-asawang Vic at Pauleen. Madalas na masisilayan ang Christmas tree nilang ito na mayroong sari-saring palamuti sa “Bawal Judgemental Segment” ng Eat Bulaga na madalas ay hinohost ni Vic Sotto habang nasa loob siya ng kanilang tahanan.

CONNIE SISON

Para naman sa malaking Christmas tree ng TV host at News anchor na si Connie Sison ay pinalamutian niya ito ng maraming mga “Poinsettia” na isa rin sa mga simbolo ng Kapaskuhan. Setyembre pa lamang ay talagang naitayo na ni Connie ang kaniyang Christmas tree.

AUBREY MILES AT TROY MONTERO

Ang celebrity couple naman na sina Troy Montero at Aubrey Miles ay mayroong malaking Christmas tree na pinalamutian naman nila ng mga puti at kulay brown na mga “ornaments”. Talagang napakaganda nito lalo na kung nakabukas pa ang mga Christmas lights na nakapalibot sa kanilang Christmas tree.

CAMILLE PRATS


Kakaiba naman ang Christmas tree ni “Mars Pa More” host na si Camille Prats dahil sa nilagyan niya ng mga “painted masks”, pulang mga puso at laso na mayroon pang mga “polka dots” ang malaki niyang Christmas tree. Simple man ngunit naging mas maganda ito nang masilayan ang nagniningning mga ilaw sa palibot nito.

JOEY DE LEON


Yayamanin at sosyal din naman ang Christmas tree na ipinasilip ni Henyo Master na si Joey de Leon. Isang fresh Christmas tree kasi mula sa “The Netherlands” ang isa sa kanilang dekorasyon sa kanilang tahanan para sa Pasko.

KARLA ESTRADA


Para naman sa aktres at singer na si Karla Estrada ay isang napakalaking Christmas na maraming mga “pink ornaments” ang mas lalong nagpaganda ng kanilang tahanan ngayong Kapaskuhan.

JINKEE PACQUIAO


Mga naggagandahang bulaklak at flamingos naman ang mas lalong nagpaganda sa eleganteng Christmas tree ng pamilya Pacquiao.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.