Connect with us

Amazing

Isang babaeng photographer, hindi inakalang matatagpuan niyang muli ang kaniyang ama gamit ang mga larawang kuha niya noon sa Hawaii nang minsan niyang maging proyekto ang mga taong palaboy at walang tirahan!

Avatar

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ang isa sa pinakamagandang karanasan na ating mararanasan sa ating buhay lalo na sa ating kabataan. Hindi lahat ay nagkakaroon ng ganitong pagkakataon kung kaya naman madalas ito ay hindi na nabibigyang-halaga ng iilan.

Ngunit para kay Diana Kim na isang photographer na lumaki sa isla ng Maui, Hawaii, naranasan niyang makasama ang kaniyang mga magulang at magkaroon ng magagandang alaala kasama sila ngunit hindi niya inaasahang maghihiwalay ang kaniyang mga magulang at maninirahan siya sa kaniyang mga kaibigan at iba pang mga kamag-anak. Ang interes niya sa pagkuha ng mga larawan ay impluwensiya sa kaniya ng kaniyang ama.

Mula nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang ay hindi na niya kasama pa ang kaniyang ama. Taong 2003 ay nagkaroon ng proyekto si Diana kung saan ang mga taong palaboy at nakatira sa lansangan ang kaniyang kukunan ng mga larawan.


Lingid sa kaniyang kaalaman ay dito niya pala makikitang muli ang kaniyang ama na matagal nang nawalay sa kanila. Taong 2012 nang malaman niyang ang ama niya ay isa pala sa mga taong palaboy na nakuhanan niya ng larawan sa Honolulu, Hawaii.

Hinanap niya ng ilang linggo ang kaniyang ama na nakita niyang nakaupo sa isang basurahan. Minsan naman ay makikita niya itong nakatayo lamang at nakatulala sa kawalan.

Ang kaniya palang ama ay dumaranas ng “schizophrenia” ng mga panahong iyon. Hindi na napagamot pa at tila napabayaan na. Minsan naman ay makikita niya ang kaniyang ama na tila ba may kaaway ngunit wala namang tao sa kaniyang tabi.

Araw-araw niyang dinadalhan ng pagkain at inumin ang kaniyang ama, kinukumbinsi niyang magpagamot ito ngunit hindi ito pumapayag. Hanggang dumating ang isang araw na bigla na lamang itong inatake sa puso.

Dahil dito ay ninais na niyang sumailalim sa gamutan. Makalipas pa ang ilang mga buwan at taon ay naging mabuti na ang kalagayan ng kaniyang ama.

Binigay ni Diana ang luma niyang kamera sa kaniya dahil nais niyang muling magbalik ang interes nito sa pagkuha ng mga magagandang larawan.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.