Connect with us

Viral

Flight attendant na si Christine Dacera, pinainom muna diumano ng gamot bago pa pinagsamantalahan sa loob ng isang hotel!

Avatar

Published

on

Napakarami nang nangyayari ngayon sa buong mundo. Halos isang taon na rin ang nararanasan nating pandemya na talagang naging dahilan upang mawalan ng trabaho at malugi ang mga negosyo ng marami sa atin.

Photo credit: Ana Cristy Wayas Panorde-Mercado

Gayundin naman ay hindi pa rin nawawala ang labis kahirapan para sa ilang mga kababayan nating Pilipino na isang kahig at isang tuka lamang ang pamumuhay. Higit pa sa mga suliraning ito ay talamak pa rin ang krimen sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Photo credit: Ana Cristy Wayas Panorde-Mercado

Kamakailan lamang ay nagulantang ang maraming mga netizens dahil sa karumal-dumal na krimen na ginawa ng grupo ng mga lalaki sa isang 23 taong gulang na “flight attendant” ng isang malaking airline company sa Pilipinas. Siya ay nakilala bilang si Christine Angelica Dacera na mula sa General Santos City.

Ayon sa ilang mga ulat ay natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng dalaga sa bathtub ng isang hotel sa Makati. Bago pa man ang insidenteng ito ay nakausap pa ng dalaga ang kaniyang ina at pinakita pa nito ang kaniyang mga kasamahang “flight attendant” lamang ang kaniyang kasama sa naturang “party”.

Photo credit: Ana Cristy Wayas Panorde-Mercado

Hindi akalain ng kaniyang pamilya na ito na pala ang huling beses na makikita nilang buhay ang kanilang anak. Ayon sa Makati City Police Station chief, P/Col. Harold Depositar, dakong alas-sais ng umaga ng makita sa CCTV footage ng naturang hotel na binubuhat sila ng ilang mga lalaki sa Room 2209.

Bandang alas-diyes na ng umaga ng matagpuan ang katawan ng dalaga na tinangka pang sagipin ng mga staff at manager ng hotel ngunit hindi na nila nasalba pa ang kanilang buhay. Ayon din naman sa ilang pahayag ng kaibigan ni Christine ay tila napansin na daw ng dalagang nag-iba ang kaniyang pakiramdam matapos siyang painumin ng isa nilang kasamahan.

Photo credit: Ana Cristy Wayas Panorde-Mercado

Ang 12 kalalakihang suspek sa panghahalay at pagpaslang kay Christine ay sina Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang lalaking nagngangalang Ed Madrid, isang lalaking nagngangalang Paul, John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido at John Paul Reyes Halili. Nasa kustodiya na ng kapulisan sina Serna, Galido at Halili.

Source: Dailybncnews


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.