Connect with us

Viral

Isa sa mga suspek sa kaso ng flight attendant na si Christine Dacera nagsalita na sa social media patungkol sa tunay na nangyari sa dalaga na diumano ay nasawi matapos halayin ng grupo ng mga kalalakihan!

Avatar

Published

on

Sa pagpasok ng taong 2021 ay gumimbal sa publiko ang karumal-dumal na pagkasawi ng isang flight attendant mula sa General Santos City. Ang 23 taong gulang na si Christine Angelica Dacera o mas kilala sa kaniyang palayaw na “Ica” o “Tin” ay nagtatrabaho sa isang kilalang Airline Company.

Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan at iba pang katrabaho sa isang “New Year’s party” sa isang hotel sa Makati City at kinaumagahan ay bigla na lamang nakita ang kaniyang bangkay sa bathtub ng isa sa mga kwarto ng naturang hotel. Ayon sa ilang mga ulat, iniimbestigahan na ng kapulisan ang sanhi ng pagkakasawi ng dalaga na diumano ay hinalay ng halos 12 mga kalalakihan at pinaslang matapos gawin ang karumal-dumal na krimen.

Nasa kustodiya na ng otoridad ang tatlong sa mga suspek samantalang ang iba ay malaya pa rin. Isa nga sa mga hinihinalang suspek na malapit ding kaibigan ni Christine, si Rey Englis ay nagsalita na sa social media kung ano talaga ang nangyari ng mga oras na iyon.


Ayon sa naging pahayag niya sa kaniyang post, ang katotohanan ang magpapalaya sa lahat. Hindi na raw niya kailangan pa ang paghingi ng pasensiya ng publiko sa oras na lumabas na ang katotohanan.

Ang nais na lamang niya ay mag-alay ng panalangin ang publiko para kay Christine at sa naulila niyang pamilya. Hinding-hindi rin daw niya ide-deactivate ang kaniyang social media account kahit anong bash pa ang gawin sa kaniya ng mga tao.

Minention niya rin ang kaniyang kaibigan na si Christine sa kaniyang post at sinabi rito na nasaan man siya ngayon ay palagi nila siyang maaalala. Mahal na mahal daw nila ito at itinuturing na nilang isang pamilya.

Hindi na niya sana gagawin ang mag-post ng kahit ano patungkol sa usaping ito ngunit talagang hindi na nila kaya ang ginagawang pambabatikos at panghuhusga ng publiko sa kanila. Ang Diyos at si Christine daw anag kanilang saksi sa tunay na nangyari at batid niyang matatapos din ang lahat ng ito.

Naging laman na balita ang pag-amin ng mga nakasama ni Christine sa party na halos lahat sila roon ay gay at imposibleng gawin nila sa isang babae ang panghahalay na iginigiit ng kapulisan.


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.