Connect with us

Viral

Hong Kong nakapagtala na ng unang kaso nila ng B117 mutation na isang babaeng pasahero galing sa Pilipinas!

Avatar

Published

on

Napakatagal na ng ating naging paghihintay para sa bakuna laban sa COVID-19 na hanggang sa mga araw na ito ay nagdudulot pa rin ng pangamba at takot sa maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang dako ng bansa. Maging ang mga liblib na lugar sa bansa tulad na lamang ng Batanes ay nakapagtala na rin ng ilang positibong kaso.

Halos mag-iisang taon na rin ang sitwasyon nating ito buhat nang magdeklara ng “lockdown” ang ating pamahalaan noong Marso 2020. Maraming mga pamilya ang labis na nagulat dahil sa hindi natin napaghandaan ang pandemyang ito.

Kahit na mahirap at puno ng pagsubok ang taong 2020 ay nakayanan pa rin natin ito at napagtagumpayan sa awa at biyaya ng Diyos. Ngunit kahit pa nga ilang buwan na ang nakararaan ay hindi pa rin natin nagagawa ang mga bagay na malaya nating nagagawa noon.

Marami sa atin ang hindi na nagawang makauwi sa ating mga pamilya upang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon dahil sa takot na baka mahawahan pa sila ng sakit na ito nang hindi natin nalalaman. Maging ang mga kabataang Pilipino na sabik na sabik na ipagdiwang ang araw ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga Ninong at Ninang ay hindi rin nangyari.

Nagsilbing liwanag at pag-asa sa atin ang mga nadiskubreng bakuna ng ilang mga bansa ngunit hanggang sa ngayon ay nasa “trial stage” pa rin ang mga ito at ginagamit lamang sa mga “emergency purposes”. At bago nga matapos ang taong 2020 ay isang masamang balita na naman ang gumimbal sa buong mundo dahil sa bagong mutation ng COVID-19 na una nang natuklasan sa United Kingdom.

Mas mapanganib daw ang “B.1.17” na ito at hanggang sa mga oras na ito ay pinag-aaralan pa ng mga siyentipiko. Marami nang mga bansa ang nagtala ng positibong kaso ng bagong “variant” na ito at ang pinakabagong bansang nakapagtala ng kaso ay ang Hong Kong kung saan isang pasaherong babae ang nagmula sa Maynila noong ika-22 ng Disyembre.

Ang naturang pasaherong ito ay isa sa apat na bagong kaso ng bagong “variant” ng COVID-19 sa Hong Kong. 30 taong gulang na ang naturang babae na isang residente dito.

“Case 9003 took the PR 300 and arrived in Hong Kong on the 22nd of December from the Philippines,” Pahayag ni Chuang Shuk-Kwan, head ng “communicable disease branch” ng Hong Kong health department.

Source: Inquirer


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.