Connect with us

Viral

Isang Amerikanong doktor nagpahayag ng kaniyang opinyon patungkol sa pagkasawi ng Pinay flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati!

Avatar

Published

on

Napakarami nang naging kaganapan nang pumasok ang taong 2020 nitong nakaraang taon. Hindi makapaniwala ang marami sa atin na mararanasan natin ang kabi-kabilang mga sakuna, kalamidad at pandemya. Marami ang umaasang magkakaroon tayo ng bagong simula sa taong 2021.

Photo credit: Doc adam Facebook

Ngunit sa pagsalubong natin ng panibagong taon na ito ay talagang hindi akalain ng maraming mga Pilipino na magigimbal tayo sa pagkasawi ng isang 23 taong gulang na “flight attendant” na tubong General Santos. Ayon sa mga naging ulat ay Enero 1, 2021 nang matagpuan sa bathtub ng kaniyang hotel room ang dalaga ay wala na itong buhay.

Photo credit: Doc adam Facebook

Una nang ipinahayag ng kapulisan na maaaring ginahasa siya ng hindi bababa sa 11 mga kalalakihan, at ito marahil ang naging dahilan ng pagkakasawi ni Christine. Mayroon din diumanong semilya na nakita sa kaniyang katawan, mga pasa at “laceration” sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan.

Ang tatlong mga suspek na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ay nagsabing hinding-hindi nila ito magagawa kay Christine dahil sa itinuturing na nila siyang pamilya at silang lahat ay mga “gay”. Naging malinaw naman sa resulta ng “autopsy report” na “ruptured aortic aneurysm” ang ikinasawi ng dalaga.

Photo credit: Doc adam Facebook

Wala din diumanong panghahalay na nangyari kung kaya naman wala nang dahilan upang ikulong pa ang kaniyang mga kaibigan. Ayon naman sa naging pahayag ng isang Amerikanong doktor sa kaniyang Facebook page na “Doc Adam”, naguguluhan din diumano siya kung paanong magkakaroon si Christine ng “aneurysm” sa edad na 23 taong gulang samantalang edad 60 pataas lamang ang madalas na makaranas nito.

Ayon din naman sa ina ng dalaga ay batid niyang malusog ang pangangatawan ng kaniyang anak dahil sa kabila ng pandemya ay nakapagtatrabaho pa ito bilang isang flight attendant. Samantala, umani naman ng sari-saring komento mula sa publiko ang naging maikling video na ito ni Doc Adam.

Sa ngayon ay marami pa rin ang patuloy na umaasa na mabibigyang linaw ang insidenteng ito at mabibigyan ng hustisya ang hindi inaasahang pagpanaw ni Christine.

Source: Facebook


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.