Connect with us

Showbiz

Claudine Baretto, Inaming Di Napigilang Tawagan Si Jodi Sta. Maria Tungkol Kay Raymart

Avatar

Published

on

Marami ang natuwa nang kumalat ang isang litrato kung saan napatunayan na si Raymart Santiago na at si Jodi Sta. Maria. Marami ang nagpahatid sakanila ng kasiyahan at pagbati. Ngunit sa kabila ng ito, hindi naman mapigilan ng iba na magtanong kung kamusta kaya ang ex-wife ni Raymart na si Caludine Baretto.

Sa presscon ng kanyang project sa Boracho Films, inamin ni Clau na tinawagan daw niya si Jodi dahil nadismaya ito na hindi man lang daw sinabi sakanya ni Jodi ang relasyon nito ng dati niyang asawa kahit pa close naman daw sila. Kinuha lamang daw nito ang numero ni Jodi kay Raymart mismo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Sinabi pa nito na okay naman daw ang lahat, may hiniling lang daw siya tungkol sa mga anak nila na hindi daw naipapatupad ng bagong magkarelasyon.

“Maayos ‘yung pag-uusap namin. Until meron akong isang hiniling sa kanila na umoo sila. It was for the kids. Hindi sila… they didn’t live up kung ano ‘yung promise nila. ‘Yon ‘yung medyo hindi okay,”

Sa kabila nito, nilinaw ni Claudine na gusto niya maging masaya ang dalawa, basta wag lang daw kalimutan ang mga bata.

Source: ABS CBN


Trending

Copyright © 2020 Zox NewsPinas, powered by WordPress.