Advertisements

Friday, November 19, 2021

Alodia Gosiengfiao, inamin na ilang beses na rin silang naghiwalay at nagkabalikan ni Wil Dasovich!

Si Alodía Almira Arraiza Gosiengfiao ay isang Pinay cosplayer, endorser, actress, at TV presenter. Hindi lamang siya hinahangaan dahil sa angking ganda at kaseksihan niya habang nakasuot ng mga Cosplay costumes kundi dahil na rin sa kaniyang mga nakamanghang talento tulad na lamang halimbawa ng pagtugtog niya ng piano at pag-sketching. 

Siya rin ang tinaguriang “Senpai Alodia of the Philippines”. Hindi na nakapagtataka na marami ang talagang nabibighani sa angkin niyang kagandahan. 

Ngunit isa lamang ang nakasungkit ng pihikan niyang puso, ang YouTuber at dating PBB housemate na si Wil Dasovich. Marami ang talagang kinilig sa kanilang relasyon, mayroon naman kasi talaga silang chemistry sa harap ng kamera.

Ngunit nito lamang ika-14 ng Nobyembre 2021 ay ibinahagi ni Alodia sa kaniyang Facebook account na hiwalay na sila ni Wil. Hiling daw niya sa publiko na irespeto na lamang ang kanilang “privacy” lalo na sa mga panahong ito. 

Marami man ang nagtatanong at nagtataka sa tunay na rason ng kanilang hiwalayan ay pinili na lamang ng nakararami na irespeto ang desisyon ng dalawa. Kamakailan lamang ay hindi inaasahan ng marami na magsasalita si Alodia sa kaniyang livestream ng “League of Legends: Wild Rift” patungkol sa naturang isyu. 

Ayon kay Alodia, ilang beses na rin daw silang nag-break ni Wil ngunit nagkakabalikan din daw sila. Ngunit ngayon ay tila huling beses na raw ito.

"Meron pa bang comeback? We don't know. I mean, nakailang comeback na kasi. But you know, things happen for a reason, I guess. 'Pag hindi talaga, not meant to be," Pahayag ni Alodia.

"Di ko naman ine-expect na kung saan-saan mapupunta 'yung news. I just wanted the truth to come out na, ito 'yung situation ngayon and stuff. I hate lying, to be honest... And every time may nagtatanong na, 'Kayo pa ba?' Siyempre I don't want to lie,” Dagdag pa ni Alodia.


No comments:

Post a Comment