Advertisements

Monday, November 29, 2021

Barbie Imperial mayroong mensahe kay AJ Raval: “Kung hindi ka kabit, magsalita ka!”

Una na nating nakilala si AJ Raval bilang anak ng batikang action star na si Jeric Raval. Talaga namang marami ang nagandahan sa kaniya at naseksihan ngunit marami din ang nagkunot ng noo dahil sa diumano ay pagpapaseksi nito. 

Maraming mga netizens ang nagulat nang kumalat ang ilang mga larawan nila ni Aljur Abrenica habang sweet sila sa pamimili sa isang mall. Ito ay kasagsagan ng hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. 


Advertisements

At kamakailan nga lamang ay muli na namang naging mainit ang usap-usapan sa pangala ni AJ Raval na nauugnay sa nobyo ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga. Ayon sa video clip nina Boy Abunda at Barbie Imperial, makikitang tila galit ang aktres at mayroong nagbabagang mensahe para sa co-star ni Diego na si AJ. 

“Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!”

Ito ay matapos kumalat ang ilang kuro-kuro na nililigawan daw ni Diego si AJ kahit sila pa ni Barbie.

“Parang for me, parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?” Dagdag pa ni Barbie.

Nakarating din daw kay Barbie na magkaibigan pala sina AJ Raval at Xian Gaza kung kaya naman talagang nagduda at nagtaka ang aktres sa pananahimik ng huli sa naturang isyu.


Advertisements

“And I heard, I have a proof na… AJ and Xian Gaza are friends and maybe they talk about, feeds him na mga info na mga chismis… so ako, parang sa akin ‘Ohhh… gusto mo pala ‘to, parang ganoon.” Paliwanag ni Barbie.

“Actually friend ko siya noon. Kaibigan ko siya noon. Ahm, tinanggap namin siya, sobrang binaby namin siya sa grupo namin, kasi nga, ano, ahm, girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel (Torres), so tinanggap namin siya… so nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na… okay, gusto mong maging kabit… eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko… so ‘yun,” Dagdag pa nito.

No comments:

Post a Comment