Advertisements

Friday, November 19, 2021

Edu Manzano at Cherry Pie Picache, mayroon nga kayang relasyon base sa mga kumakalat nilang larawan nang magkasama?

Marami nang mga balita ng hiwalayan ngayong taon na talagang ikinagulat ng publiko. Una na riyan ang hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. 

Natuldukan na rin ang halos anim na taong relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes. Maging ang apat na taong relasyon nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez ay natapos na rin bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa, nagbura na sila ng kanilang mga larawan sa kanilang mga social media accounts. 

Kamakailan lamang ay naging maugong din ang diumano’y nadadalas na pagkikita at pagsasama ng dalawang batikang artista na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Sa kanilang mga larawan online ay makikita na tila sweet at close ang dalawa. 

Mayroon din silang ilan pang mga larawan kung saan makikita na kasama nila ang kanilang mga kaibigan habang nagsasalo-salo o di kaya naman ay umiinom. Bagamat wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa, marami ang nakapansin na in-unfollow na nina Edu at non-showbiz GF nito ang isa’t-isa sa kanilang mga social media account.

Dahil dito ay mas naging mainit ang usapin na marahil ay hiwalay na ang dalawa at mayroon na ngang namumuong relasyon sina Edu at Cherry Pie. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon nang anak ang aktres sa dati niyang karelasyon habang si Edu ay mayroon na ring tatlong mga anaksina Enzo, Addie, at Luis Manzano. 

Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig ay marami naman ang masaya sa balitang ito dahil bagay na bagay naman daw sila para sa isa’t-isa. Wala naman din daw masama na maging masaya silang dalawa sa kabila ng kanilang edad at mga pinagdaanan sa buhay. 

Si Edu Manzano ang isa sa pinakamahusay na host sa bansa. Marami na siyang nagawang proyekto tulad na lamang ng “The Weakest Link”, “Pilipinas, Game KNB?”, “1 vs. 100”, at “Asar Talo Lahat Panalo”. 

No comments:

Post a Comment