Advertisements

Friday, November 19, 2021

Edu Manzano, kinumpirma na mayroon silang relasyon ni Cherry Pie Picache sa news anchor na si Cheryl Cosim!

Kamakailan lamang ay naging maingay ang ilang mga netizen na nagkokomento sa tila pagiging malapit ng dalawang sikat na artista. Ito ay sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Si Eduardo Barrios Manzano o mas nakilala natin bilang si Edu Manzano ay 66 taong gulang na aktor, host, komedyantae, pulitiko at US Air Force Veteran. 

Siya rin ang ama ng mahusay na host na si Luis “Lucky” Manzano. Samantala, si Cherry Pie Sison Picache naman ay 51 taong gulang na aktres na madalas mapanuod sa mga pelikula o di kaya naman ay “independent films”. Parehong mahuhusay at batikang artista ang dalawa ngunit dahil sa kanilang edad at mga nauna nang naging relasyon ay hindi akalain ng maraming mga netizens na magkakamabutihan pa silang dalawa. 

Kamakailan lamang ay nag-post ng ilang mga larawan ang aktres kung saan masayang kasama niya ang aktor at ang ilan nilang mga kaibigan sa naging bakasyon nila sa New York. Agad itong naging dahilan upang isipin ng marami ang pagkakamabutihan ng dalawa. 

At kamakailan nga lamang ay naitanong ng news anchor na si Cheryl Cosim sa aktor kung mayroon silang relasyon ng aktres na agad naman niyang sinang-ayunan. Marahil ay nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan nang maging magkatrabaho silang muli sa teleseryeng “Marry Me, Marry You”. 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na naging makulay talaga ang buhay pag-ibig ni Edu noon. Ikinasal siya kay Vilma Santos taongh 1980 at naging bunga ng pagmamahalan nila si Luis. 

Kalaunan ay nagdesisyon silang maghiwalay at nagpakasal naman siya kay Maricel Soriano taong 1989, wala silang naging anak at hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Naging karelasyon din niya si Rina Samson na isang commercial model, nagkaroon sil ang dalawang anak sina Addie at Enzo. 

Nagkahiwalay silang dalawa at makalipas pa ang ilang taon ay nakarelasyon naman niya si Pinky Webb taong 2005 na tumagal ng apat na taon. Ayon sa ilang mga ulat ang huling nakarelasyon niya ay si Iryne Garcia na tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon. 

Habang si Cherry Pie naman ay mayroong longtime boyfriend na si Gary Tria kung saan siya nagkaroon ng isang anak na lalaki.


No comments:

Post a Comment