Advertisements

Monday, November 29, 2021

Ellen Adarna, gusto nang makipaghiwalay kay Derek Ramsay? Gusto ng annulment!

Buhat nang maging usap-usapan ang pagkakamabutihan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ay talaga namang hindi na naalis ang mata ng publiko sa kanilang dalawa. Bawat post nila sa social media ay talagang inaabangan at sinusubaybayan ng marami. 

Nito lamang ika-11 ng Nobyembre ay idinaos ang kanilang enggrandeng kasal sa isang luxury resort sa sa Bagac, Bataan – ang Rancho Bernardo. Sa espesyal na araw ng kanilang kasal ay talaga namang nangibabaw ang angking kagandahan ng bride na si Ellen at ang kakisigan ng kaniyang groom na si Derek. 


Advertisements

Naging napakaganda rin ng kanilang wedding venue at wedding reception. Naglakad sila sa napakalawak na lugar na punong-puno ng mga ilaw. 

Maging ang kanilang mga anak na sina Austin at Elias Modesto ay talaga namang naroroon sa kanila at nakasuporta. Hindi rin naman nagpahuli ang alagang aso ni Derek na cute na cute sa suot nito para sa kasal ng kaniyang mga fur parents. 

Matapos ang kanilang kasal ay naging maingay na namang muli ang unang gabi nila bilang ganap na mag-asawa. Ayon sa naging post ni Derek ay walang anumang naganap dahil sa kasama nilang natulog sa iisangkwarto ang nanay ni Ellen na si Meriam Go.

Agad namang humingi ng paumanhin ang ina ni Ellen dahil sa nangyari. Matapos nito ay sa Tagaytay na nagtungo ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon. 

Muli ay nag-post na naman si Ellen ng isang video kung saan tila inaasar at niloloko nito ang kaniyang mister na tila kagigising lamang. Ayon kay Ellen ay mayroon daw kahindik-hindik na pores ang aktor kung kaya naman nais na raw niyang makipaghiwalay.


Advertisements

At annulment agad ang bulalas ng aktres.

“My God your pores! Oh my God your pores, they're hideous! Oh my God! Eww! Eww!Eww! I'm so turned off! Eww! They're hideous! Oh my God I want an annulment right now!” Pang-aasar ni Ellen.

“Okay. I want a happy ending!” Agad namang sagot ni Derek.

Hindi pa natatapos ang video ay maririnig na ang aktres na nagsasabing hindi pa raw siya tapos sa pang-aasar sa kaniyang asawa kung kaya naman dapat daw itong humanda.

No comments:

Post a Comment