Advertisements

Friday, November 19, 2021

Ina ni Albie Casiño, labis labis ang kagalakan dahil sa paglabas ng kaniyang anak sa Bahay ni Kuya kamakailan lamang!

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang sumusubaybay sa mga palabas sa telebisyon. Teleserye man, balita, o reality show talagang na-eenjoy natin na panuorin lalo na kung naroroon ang ilan sa mga paborito nating artista o personalidad. 

Kamakailan lamang ay napabalita ang pagkaka-evict ni Albie Casiño sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”. Siya ang binansagang "Ang Pilyong Hunk-tor ng Quezon City". Nitong Nobyembre 13, 2021 ay tuluyan na siyang namaalam bilang isang celebrity housemate. 

Noon pa man marami na ang bumabatikos sa 28 taong gulang na aktor. Marami ang humuhusga sa kaniyang talento bilang isang artista habang mayroon namang iilan na talagang inis lang sa diumano ay pagiging maangas at mayabang nito. 

Naging mainit din ang pangalan ni Albie nang mapabalita noon ang pagdadalang-tao nito na ang tunay na ama pala ay si Jake Ejercito. Humingi naman ng paumanhin si Andi Eigenmann dahil sa nadamay pa ang aktor sa gulong ito ilang taon na rin ang nakararaan.

Habang marami pa rin ang nag-uungkat ng nangyari, maraming espekulasyon ang kumalat tulad na lamang diumano nang naging pamamahiya ng aktor kay Andi dahil sa tumaba raw ito ng husto. Agad namang ipinagtanggol ni Jaclyn Jose ang kaniyang anak at sinabing hindi raw dapat magsalita nang ganito ang aktor lalo na at noong mga panahong buntis ang kaniyang anak ay nakakatikim ito ng pisikal na pananakit mula sa kaniya. 

Dahil dito ay mas dumami pa ang mga nagalit kay Albie. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring iilan na nagtatanggol sa aktor at patuloy na sumusuporta. 

At nang lumabas na nga siya ng PBB house ay walang pagsidlang ng kasiyahan ang kaniyang ina at sinabing:

"You just don't know how much people love you. From the most hated to the most loved", Emosyonal na pahayag ang kaniyang ina. 

Maraming mga netizens ang naantig sa naging komento na ito ng kaniyang ina na talaga namang todo-suporta sa kaniyang anak ano man ang mangyari.

No comments:

Post a Comment