Advertisements

Tuesday, November 30, 2021

Ion Perez pinakilig ang maraming mga netizens, hiling ang strong relationship nila ni Vice Ganda para sa kaniyang kaarawan!

Nakalakihan na nating mga Pilipino ang paghahanda sa mga espesyal na araw at okasyon. Talaga namang hindi na mawawala sa ating kultura ang ganitong kaugalian. 


Advertisements

Halimbawa na lamang ay ang pagdiriwang ng ating kaarawan. Dahil sa ito ay araw ng kapanganakan ng isang tao ay talagang pinaglalaanan natin ito ng oras at panahon. 

Kung nasa bahay lamang ay madalas na ipinaghahanda tayo ng ating mga mahal sa buhay at kung nasa trabaho naman ay naglalaan din ng oras ang ating mga katrabaho upang tayo ay batiin para sa ating kaarawan. Kamakailan lamang ay binati rin ng kaniyang mga kasamahan sa “It’s Showtime” si Ion Perez para sa kaniyang ika-31 taong kaarawan. 

Binati siya ng kaniyang mga kaibigan at katrabaho pagkatapos ng kaniyang “Magpasikat” performance. Mayroong inihandang malaking cake ang mga hosts para sa kaniya at nagbiro pa si Teddy Corpuz na huwag naman sana iyon ang kanilang maging premyo. 

Tinanong din naman siya ni Ruffa Gutierrez kung ano ang kaniyang kahilingan para sa kaniyang kaarawan at ang tanging hiling lamang niya ay ang pagiging matatag nila ng kaniyang partner na si Vice Ganda at ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pandemya.

"Sana maging normal na ang lahat. Syempre, samin ni Meme, maging strong pa kami lalo," Pahayag ni Ion.

Talagang marami ang kinilig sa tinuran na ito ni Ion dahil hindi nila inaasahan na talagang kasama ang batikang komedyante sa kaniyang birthday wish. Marami din naman ang nagkomento na talagang mahal na mahal nga nila ang isa’t-isa at hindi na sila dapat pang pagdudahan o husgahan. 


Lalo na at wala naman silang tinatapakang tao. Noon pa man ay madalas nang makatanggap ng pambabatikos at pangungutya sina Ion at Vice mula nang isapubliko nila ang kanilang tunay na relasyon. 


Advertisements


Marami talaga ang tutol sa kanila habang ang iba naman ay palaging mayroong negatibong puna sa kanilang dalawa. Sa kabila nito ay mayroon pa rin namang mga tao ang naniniwala sa kanila at talagang natutuwa dahil sa wagas nilang pag-ibig sa isa’t-isa na hindi kayang hadlangan ng anumang bagay at sinuman.

No comments:

Post a Comment