Advertisements

Friday, November 12, 2021

Isang dambuhalang saging ang usap-usapana ngayon matapos itong matagpuan sa isang lugar sa Pangasinan!

Marami tayong natutuklasan na mga kakaibang bagay sa ating kapaligiran sa araw-araw. Ilan sa mga ito ay nakakatakot dahil sa pagiging sobrang misteryoso at talagang hindi maipaliwanag ng tao o kahit pa ng siyensiya. 

Habang ang iba naman ay nakakagulat at talagang nakakamangha dahil hindi natin ito madalas makita sa araw-araw. Tulad na lamang halimbawa ng isang higanteng saging na ito na natagpuan ng 35 taong gulang na si Arje Esteban sa Asingan, Pangasinan. 

Labis siyang nagulat nang makita ito dahil sa marami sa atin ang talagang sanay nang makakita ng maliliit na mga saging na kayang kainin ng isang tao lamang.

Advertisements

Ayon sa binigay na impormasyon si Arje sa mga nauna nang panayam sa kaniya, ang saging daw na kaniyang nakita ay halos kasing laki na ng sukat ng ating braso.

Hindi rin makapaniwala ang may-ari ng napakalaking saging na ito na si Winnie Tarangco mula sa barangay Cabalitian dahil sa sobrang laki at sobrang haba daw talaga nito. Ayon naman sa naging pahayag ng municipal agriculturist ng bayan ng Asingan na si Ginoong Ernesto Pascual ay hindi raw talaga “commercially available” ang dambuhalang saging na ito dahil sa ang pag-aalaga nito ay paisa- isa lamang. 

Madalas daw lumalaki ang mga ganitong uri ng saging sa mga bansang mayroong “tropical climate” tulad na lamang ng Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya.

Advertisements

aliban sa nakakabilib na balitang ito, marami din sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga naging karanasan kung saan ilan sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan at mayroon ding ganitong klase ng pananim.

 Tunay nga na mapalad tayong mga Pilipino dahil marami tayong mga puno at halaman dito sa ating bansa. Mga likas yaman na talagang nakakatulong sa atin hindi lamang bilang pagkain kundi maging sa ating ekonomiya at turismo ay talagang malaki din ang nagiging benepisyo.

No comments:

Post a Comment