Advertisements

Wednesday, November 10, 2021

Isang lisensiyadong guro sa Pilipinas nagtrabaho bilang isang waiter sa Kuwait: “I’ve swallowed all my pride.”

 

 “Pride” isang maikling salita lamang kung tutuusin ngunit napakaraming kayang gawin. Kaya nitong sumira ng isang relasyon o di kaya naman ay makasira ng pagkatao ng isang tao. 

Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming mga Pilipino ang mayroong ganitong pag-uugali, mataas na pride. Madalas ay nakakasama ito kaysa nakakabuti sa isang indibidwal.

 Tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ng isang licensed professional teacher na si JM Papa. Nagtapos siya noong 2015 sa De La Salle-University Dasmariñas ay nang taon din na iyon ay nagawa niyang makapasa sa licensure board exam. 

Marami na siyang naranasan na tagumpay sa buhay kung kaya naman nakasanayan na niya talaga ito noon pa man. Ngunit dahil hindi na rin talaga sapat sa kaniya at sa kaniyang pamilya ang maliit na kinikita niya dito bilang isang guro, nagdesisyon na siyang magtrabaho sa ibang bansa bilang isang “waiter”. 

Dito ay pinagsisilbihan niya ang mga Arabo sa isang “casual dining restaurant”. Noong umpisa ay talagang hindi siya naging masaya at hindi siya naging kuntento.

Mula kasi sa isang “high-achieving individual” ay naging isang “waiter” na lamang siya. Binigyang-linaw din naman niya na hindi niya minamaliit ang trabahong ito, ang mga waiter sa buong mundo, maging ang mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba’t-ibang panig ng mundo ngunit talagang nanghihinayang siya sa kaniyang mga pangarap noon. 

Mababa at maliit ang naging tingin niya sa kaniyang sarili nang mga panahong iyon. Ngunit nagpakatatag pa rin siya at sinikap na maging positibo para sa kaniyang mga mahal sa buhay kahit pa nga siya ay nasa dayuhang bansa. 

Hindi nagtagal ay naramdaman niyang nakakaipon na siya ng malaki mula sa kaniyang kinikita bilang isang “waiter”. Nakabili na siya ng isang subdivision unit para sa kaniyang pamilya at palagi din niyang nababayaran ang kaniyang mga “insurance”. 

Makalipas ang tatlong taon na pagigig “waiter” ay nagdesisyon na siyang magbitiw sa kaniyang trabaho at maghanap ng iba. Ngayon ay isa na siyang Human Resource Coordinator sa isang malaking kompanya sa Kuwait! Kamangha-mangha ang karanasan niyang ito, hindi ba?

No comments:

Post a Comment