Advertisements

Wednesday, November 10, 2021

Isang milyonaryo, hinangaan ng marami nang ipamahagi niya sa publiko ang limpak-limpak niyang kayamanan!

 

Sa hirap ng buhay ngayon ay marami talaga sa atin ang nangangarap na lamang na sana magising tayo isang araw na tayo ay mayaman na. Ngunit ito ay napakaimposibleng mangyari. 

Marami sa atin ang nagpapakakuba sa trabaho para lamang makaipon, makapagpundar, at makaraos sa araw-araw. Hindi alintana ang puyat, pagod, at stress na ating nararanasan sa matagal na panahon dahil sa nais nating makamit ang ating mga pangarap sa buhay. 

Ngunit hindi rin pala lahat ng tao ay nagnanais maging mayaman dahil para sa lalaking ito na nakilala bilang si Ali Banat, nais niyang makatulong sa kaniyang kapwa na talagang walang-wala sa buhay.

Advertisements

Lumaki siya sa isang mayamang pamilya.

Mayroong mga negosyo at kompanyang pagmamay-ari ang kaniyang mga magulang kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na magkaroon siya ng pagmamay-ari niyang Security and Electrical Company. Ngunit hindi niya akalain na sa dami ng kanilang mga negosyo at sa kaniyang murang edad ay magkakaroon siya ng malalang sakit na kanser at ito ay nasa huling stage na. 

Ano mang oras ay maaari na siyang mawala dahil sa matindi niyang karamdaman. Kung tutuusin ay maaari naman siyang magpagamot sa pinakamahuhusay na doktor at magtungo sa pinakamahal na mga ospital ngunit para sa kaniya ay pag-aaksaya lamang ito ng oras. 

Dahil sa nais niyang makatulong sa ibang tao bago pa man siya tuluyang mawala sa mundo, napagdesisyunan niyang ibenta ang lahat ng ari-arian niya at negosyo na siyang ipinamahagi niya sa mga mahihirap.

Advertisements

Nakapagpatayo siya ng ilang mga ospital at paaralan na naging napakalaking tulong para sa mga taong kapus-palad. Maging ang bansang Africa ay nalibot na rin niya. 

Batid niyang isa ito sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo kung kaya naman tinulungan niya rin ang mga taga-roon sa abot ng kaniyang makakaya. Talaga naman saludo ang maraming mga netizens sa kabutihang ito ni Ali sa kaniyang kapwa.

No comments:

Post a Comment