Advertisements

Wednesday, November 10, 2021

Isang “single mom” nakapagpatayo ng kaniyang “dream house” para sa kaniyang mga anak dahil sa pambihira niya sipag at diskarte sa buhay!

 

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang pangarap na magkaroon sila ng sarili nilang bahay at lupa. Hindi kasi talaga biro ang makitira sa kapamilya o kamag-anak at hindi rin naman praktikal ang pagrenta ng bahay kung saan buwan-buwan kang maghuhulog ng bayad. 

Kadalasan, marami sa atin ang nagsusumikap ng husto upang makaipon at matupad ang pangarap na ito ngunit sadyang napakahirap talagang magpundar ngayon ng ari-arian kung sapat lamang ang kinikita mo sa araw-araw. Kung kaya naman suntok sa buwan na lamang ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa para sa maraming mga pamilya. 

Ngunit kung inaakala nating imposible ito, ginawa itong posible ng isang single mom na nakilala ng publiko bilang si Wendee Arriesdago. Mag-isa lamang siyang nagtataguyod ng kaniyang mga anak ngunit kailanman ay hindi siya nagreklamo.

Talagang nagsumikap siya ng husto upang kumita ng pera hanggang sa nakaipon siya ng Php200,000 na inisyal niyang pera pampagawa ng kaniyang pangarap na bahay. Ngunit dahil na rin sa mahal na mga materyales ay hindi naging sapat ang pera niyang ito. 

Kung kaya naman mas nagsumikap pa siya ng husto at nagdoble-kayod. Mas naging masipag siya at madiskarte upang matapos na ang pagpapatayo ng kanilang dream house. 

Ang kaniyang kasipagan at pagiging madiskarte ay sinamahan pa niya ng pagiging matipid kung kaya naman hindi na nakapagtataka na matapos din sa wakas ang kanilang napakagandang bahay. Tunay nga na walang imposible sa taong may pangarap sa buhay. 

Lalo na kung ang mga pangarap na ito ay hindi lamang para sa kaniya kundi para din sa kaniyang mga mahal sa buhay. Pinatunayan lamang ni Wendee na hindi hadlang ang pagiging isang solo parent upang matupad niya ang kaniyang mga ninanais sa buhay. 

Sadyang napakagandang inspirasyon nito para sa mas maraming mga Pilipino na magpatuloy lang dahil hindi natin batid kung kailan darating ang araw na aani na tayo sa ating mga naging sakripisyo.

No comments:

Post a Comment