Advertisements

Saturday, November 20, 2021

John Lloyd Cruz kasama si Jessica Sojo sa El Nido, Palawan para sa isang exclusive interview na ipapalabas sa KMJS!

Matagal ding inabangan ng publiko ang pagbabalik showbiz ng batikang aktor na si John Lloyd Cruz. Si John Lloyd Espidol Cruz o mas hinangaan natin bilang si John Lloyd Cruz ay 38 taong gulang na aktor, modelo, host, at endorser. Siya ang itinuturing na “ultimate leading man” sa industriya ng showbiz dahil sa pambihirang husay niya sa harap ng kamera. 

Halos apat na taon din siyang namahinga noon at nagdesisyon na mag-pokus muna sa mas importanteng mga bagay. Nang panahong ito ay nabiyayaan sila ng anak ng dati niyang nobya na si Ellen Adarna. 

Pinangalanan nila ang kanilang anak na Elias Modesto. Kahit pa kasal na ang aktres sa aktor na si Derek Ramsay ay nananatili pa rin silang civil at nasa co-parenting status. 

Kaugnay naman ng pagbabalik telebisyon ni John Lloyd bilang isang Kapuso artist, itatampok siya sa magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”. Kasama niya si Jessica Sojo sa muli niyang pagbisita sa ikalawa niyang tahanan, ang El Nido, Palawan. 

Kung para sa maraming mga turista, isa na marahil ang lugar na ito sa pinakamagandang lugar sa bansa. Talaga namang babalik-balikan mo ang paraiso na ito. Ayon naman sa naging caption ng “Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)”, nang tanungin nila kung bakit ikalawang tahanan ang turing nito sa lugar, ipinaliwanag niyang dito siya  nagsimulang makaramdam ng “healing”.

Napadpad daw siya sa Palawan upang makahinga. Inilarawan din niya na tila binabalot ng hiwaga ang lugar na ito. 

Madalas daw na siya ang nagmamasid at nakatulala sa paligid niya. Talaga namang naging refuge o kanlungan ng aktor ang lugar na ito. 

Kung kaya naman ngayon ay malugod niyang pinaunlakan ang programa na ipasilip ang nakakamanghang ganda nito sa publiko. Nasasabik na ang milyon-milyong taga-hanga ng aktor na muli siyang masilayan sa harapan ng kamera. 

Tiyak na mas maipapamalas niya ang kaniyang talento dahil sa mas marami na siyang inspirasyon sa ngayon.

No comments:

Post a Comment