Advertisements

Wednesday, November 24, 2021

Karylle, sinabi sa isang netizen na tanungin na lamang si “Marites” para sa kumpirmasyon kung siya nga ba ay nagdadalang-tao na!

Kamakailan lamang ay marami ang nagtatanong kung nagdadalang-tao na nga ba si Karylle sa panganay niya ng asawang si Yael Yuzon. Marso 2014 nang magpakasal ang dalawa at sa halos pitong taon nilang pagsasama ay talaga namang sinubaybayan ng kanilang mga tagahanga ang kanilang buhay may-asawa. 

Hanggang sa marami ang nakapansin sa Instagram post ng kaniyang ina na si Zsa Zsa Padilla. Sa video kasing iyon ay makikitang napakasaya ng mag-ina sa kanilang bakasyon. 

Sa naturang TikTok video ay nakasuot ng mini white dress ang “It’s Showtime host” at nakasuot din ng flat shoes. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko na medyo tumaba ito at mayroon ding kapansin-pansin na “baby bump”. 

Hindi na tuloy napigilan pa ng ilang netizens na kumpirmahin kung buntis nga ba siya. Ngunit ang tanging sagot lamang niya ay “Pls tag Marites for the answer haha”.


Advertisements

Naging popular ang pangalan na Marites para sa mga taong mahilig sumagap ng latest patungkol sa mga artista o kahit sa mga tao lamang sa kanilang paligid. “Mare ano ang latest” ang ibig sabihin ng salitang “Marites” at mayroon pa itong ilang mga kaibigan na pinapipyestahan din ngayon online.

Tunay nga na napakagandang blessing para sa atin ang pagkakaroon ng anak. Kaniya-kaniya rin naman tayo ng desisyon patungkol dito. Maaaring ang ilan sa atin ay gustong mag-pokus muna sa ating buhay may-asawa bago magplano ng pagkakaroon ng mga anak. 


Advertisements

Mayroon din namang iilan na talagang nais na rin nilang magkaroon ng sarili nilang pamilya at magsimulang magpalaki ng kanilang mga anak. Habang mayroon din naman na kahit gusto na nilang magkaroon ng anak ay hindi pa rin sila napagkakalooban ngunit patuloy silang nagdarasal at sumusubok na magkaroon na ng sarili nilang supling. 

Hindi madali ang maging isang magulang ngunit lahat tayo ay nangangarap din namang maranasan ito at tiyak na sa tamang panahon ay talagang makakamit din natin ang matagal na nating inaasam.

No comments:

Post a Comment