Advertisements

Sunday, November 28, 2021

Kim Chiu, nag-post diumano ng video kung saan makikitang tinatanggal ang larawan ni Bea Alonzo sa hallway ng ABS-CBN!

Napakaraming nangyari sa ating bansa at sa buong mundo buhat nang magpandemya. Aminin man natin o hindi, talagang naging napakahirap ng maraming mga bagay noon. 

Maraming mga negosyo ang nalugi at kinailangang magsara. Habang marami ding mga manggagawa at mga empleyado ang naapektuhan. 


Advertisements

Maging ang mga matatanda at kabataan ay halos ilang taon din na hindi pinayagang makalabas upang maingatan laban sa kumakalat na sakit. Ang mundo ng showbiz ay hindi rin nakaligtas dito dahil naging napakalaki din ng ginawa nilang “adjustment” upang kahit papaano ay makapagpatuloy pa rin sa pagtatrabaho. 

Marami ding mga artista ang kinailangang magdesisyon na lumipat ng estasyon para na rin sa kanilang mga trabaho. Isa na marahil sa mga ito ang dating Kapamilya actress na si Bea Alonzo. 

Talagang isa siya sa pinakasikat na aktres ng naturang estasyon ngunit ngayon ay isa na siyang Kapuso actress. Naging mainit na usapin ang mga naging paglipat ng ilang mga artista tulad ni Bea.


Advertisements

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang diumano ay pagpopost ni Kim Chiu ng ginawang pagtatanggal sa malaking larawan ni Bea sa mismong hallway ng ABS-CBN. Inulan ito ng batikos mula sa ilang mga netizens at talagang ginawan ng isyu. 

Itinanggi naman ng bagong “It’s Showtime” host na nais niyang gawing isyu ang nangyari. Nagbiro pa ito at sinabing dapat ay magbago na ang maraming mga “Marites” at huwag nang gumawa ng gumawa ng mga isyu. 

Samantala, buhat nang lumipat si Bea sa kabilang estasyon ay hindi na natigil ang mga proyektong ipinagkakatiwala sa kaniya. Isa sa pinakamaingay niyang proyekto ngayon ay ang pagpopose niya bilang isang calendar girl ng isang sikat na alak. 

Marami ang humanga kay Bea dahil sa talaga namang “fearless” at napaka-sexy ng kaniyang mga pose ngunit naroroon pa rin ang pagiging propesyonal at elegante ng bawat larawan.

Source: PEP

No comments:

Post a Comment