Advertisements

Sunday, November 28, 2021

Kimpoy Feliciano, nagpasalamat kay Heaven Peralejo sa pagdating nito sa kaniyang buhay!

Una nang naging usap-usapan ang pangalan ni Heaven Peralejo noong naging magkarelasyon nila ng anak ni Senador Manny Pacquiao na si Jimuel. Ayon sa binata, nagdesisyon silang magbalikan noon matapos maghiwalay ngunit sa ikalawang pagkakataon nang kanilang paghihiwalay ay naging “peaceful break-up” na ito. 

Naganap ito noong 2019. Lumipas ang ilang mga buwan at muli na namang pinag-usapan si Heaven nang mag-post ito patungkol sa bago niyang nobyo na si Kiko Estrada. Ayon sa ilang mga balita ay Abril 2021 nang maghiwalay sina Kiko at Devon Seron. 

Ilang buwan lang ang lumipas at naging magkarelasyon na sina Heaven at Kiko ngunit naghiwalay din sila kaagad. Ngayon naman ay nali-link muli ang aktres sa actor-vlogger na si Kimpo Feliciano. 


Advertisements

Ito ay matapos magbahagi ng mga larawan ang dalawa na magkasama sa ika-22 taong kaarawan ng aktres. Maging ang post ng aktres na ito ay pinagpiyestahan ng madla:

 “22 rotations around the sun and cheers to more [sun emoji].Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming. Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!”

Maraming nagsasabi na “revolution” dapat ito at hindi “rotation”. Wala namang naging pahayag ang aktres tungkol dito.


Advertisements

Samantala, marami ang nagtatanong ngayon patungkol sa tunay na relasyon nina Kimpoy at Heaven matapos magbahagi si Kimpoy ng mensahe sa dalaga na nagsasabing:

 "Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That's a promise." Pahayag ni Kimpoy.

Agad namang sumagot ang dalaga at sinabing “Luv u forever beh!!!” Kung noon ay “kuya” lamang ang tawag ni Heaven sa kaniya, ngayon daw ay “beh” na kung kaya naman talagang hindi magkamayaw ang ilang mga netizens kung sila na nga ba talaga o sadyang sobrang malapit lang silang magkaibigan.


No comments:

Post a Comment