Advertisements

Thursday, November 11, 2021

Kris Aquino, sinagot ang komento ng isang netizen patungkol sa kaniyang nalalapit na kasal, sinabing magiging “tiny” at “super private” nito!

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay mas nakilala natin bilang si Kris Aquino na isang batikang host, mahusay na aktres, prodyuser at businesswoman. Siya ay 50 taong gulang na ngayon. Mayroon siyang dalawang anak sina Joshua at Bimby.


Advertisements

Si Joshua ang panganay niyang anak na anak nila ng dati niyang nobyo na si Philip Salvador. Habang si James Carlos "Bimby" Aquino Yap, Jr. naman ay anak nila ng dating asawang si James Yap na isang professional basketball player. 

Sa ngayon ay marami ang kinikilig sa bagong yugto ng kaniyang buhay dahil sa malapit na siyang ikasal sa kaniyang fiancé na si dating Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Mel Sarmiento. Oktubre 24, 2021 nang isapubliko ni Kris ang kanilang engagement na talaga namang ikinagulat marami. 


Advertisements

Hindi na magkamayaw ang kaniyang mga fans dahil sa talagang inaabangan nila ang magiging enggrandeng kasalan ng dalawa. Ngunit kamakailan lamang ay nilinaw ni Kris sa isa sa mga netizens na nagkomento patungkol sa nalalapit nilang kasal na hindi magiging magarbo o enggrande ang kanilang pag-iisang dibdib.

“I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be TINY and super private. No entourage. No wedding planner. Totally not what you’re expecting.” Pahayag ni Kris.

Hindi naman ito naging hadlang sa dami ng mga taong sumusuporta sa kaniya. Ilang buwan pa lamang kasi nang pumanaw ang kaniyang nakatatandang kapatid na si dating pangulong Noynoy Aquino. 

Labis siyang nagdalamhati sa pagkawala ng kaniyang kuya ngunit laking pasasalamat din niya dahil batid niyang ang kuya niya mismo ang gumawa ng paraan upang magkakilala at magkaibigan sila ni Mel. Tunay nga na nagsisilbing inspirasyon sa marami si Kris. 

Hindi naman dahil ilang beses ka nang nagkamali sa pag-ibig ay hindi ka na maniniwala sa tamang tao na ibibigay sa iyo ng tadhana tulad na lamang ni Kris at Mel.


No comments:

Post a Comment