Advertisements

Sunday, November 28, 2021

Kylie Padilla, hindi napigilan na maiyak nang tanungin ng kaniyang ama na si Robin tungkol sa dating mister na si Aljur

Marami ang nagulat ang maging kontrobersiyal ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Inakala kasi ng marami na talagang matatag at tatagal ang kanilang pagsasama dahil na rin sa kanilang mga pinagdaanan noon. 

Ngunit kahit pa mayroon na silang dalawang mga anak ay napagdesisyunan pa rin nilang maghiwalay na para na rin sa ikaayos at ikatatahimik nilang dalawa. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagkakataon si Kylie na makausap ang kaniyang ama para sa kaniyang vlog na pinamagatang "The Conversation I Never Had With My Papa," 


Advertisements

Talaga namang maraming mga netizens ang humanga at labis na natuwa sa relasyon ng dalawa. Halata kasing magalang si Kylie at mayroon talagang respeto sa kaniyang ama.

Kahit pa nga batid naman ng marami na bata pa lamang sila nang maghiwalay ang kanilang mga magulang. Walang ibang bukambibig ang aktres kundi ang paghanga niya sa kaniyang ama na talagang naglaan ng oras at panahon sa kanilang magkakapatid. 


Kahit abala sa trabaho noon ang kanilang ama at sa ibang bansa sila naninirahan ay sinisigurado nito na naglalaan pa rin siya ng oras para sa kanila. Palagi silang mayroong mga ginagawang adventure at kailanman ay hindi daw sila diniktahan ng kanilang ama. 

Proud na proud din daw si Kylie kung paano sila pinalaki ng niyang ama. Talagang minulat niya sila sa reyalidad ng buhay, tinuruan niyang magkaroon sila ng pananalig sa Diyos at makisalamuha sa iba’t-ibang uri ng tao. 

Humingi din ng payo ang aktres kung paano niya mapapalaki ng maayos ang kaniyang mga anak mula sa kaniyang ama. At sinabi naman ng action star na dapat ay hayaan niyang matuto at masaktan ang kaniyang mga anak lalo na at dalawang lalaki ito. 


Advertisements

Huwag din daw niyang ilayo sa kanilang ama na batid naman ni Robin na hindi gagawi ni Kylie at higit sa lahat ay dapat turuan din niyang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos habang sila ay mga bata pa. Naiyak din si Kylie nang tanungin siya ng kaniyang ama tungkol sa kaniyang dating asawa. 

"Okay na po talaga, Pa. I promise. Ayoko nang mag ano, basta. Ang importante, andun kami para sa mga bata." Pahayag ng aktres.

No comments:

Post a Comment