Advertisements

Friday, November 12, 2021

Lolo na 84 taong gulang na, naglalako pa rin ng honey para lamang kumita kahit kaunti sa gitna ng matinding sikat ng araw!

Marami sa ating mga Pilipino ang laking lolo at lola.
Madalas kasi noon na wala ang ating mga magulang dahil kailangan nilang magtrabaho kung kaya naman tayo ay ipinagkakatiwala muna sa ating mga lolo at lola. 

Halos lahat naman sa atin ay nagkaroon ng masayang karanasan sa piling nila. Hindi natin maipagkakaila na mahal na mahal nila tayo kahit pa nga hindi naman nila tayo anak at mga apo lamang. 

Advertisements

Ngunit sa kabila ng kanilang pagmamahal at suporta sa atin, gaano tayo kasigurado na sa kanilang pagtanda ay mayroong mag-aalaga at kakalinga sa kanila? Kamakailan lamang ay marami ang nalungkot sa ibinahaging kwento ng isang netizen tungkol sa isang matandang lalaki na namataan niyang naglalako ng honey kahit pa nga tirik na tirik ang araw.

Ayon sa netizen na si Catherine Jajalla Castro Nazol, kumatok raw sa kaniyang tindaham ang matandang lalaki at nag-aalok ng tinda nitong honey sa bote. Nakiusap at humingi rin daw ito ng tubig sa kaniya dahil sa pagod at hinahapo na rin daw ito. 

Dagdag pa ni Catherine sa kaniyang post, hindi raw niya nakuha ang pangalan ng matanda ngunit batid niyang ito ay nakatira sa Apurawan, Palawan.

Advertisements

Nakiusap din siya na sana ay mabilhan man lamang ang matanda kung sakaling makikita nila ito na nagtitinda sa daan. 

Tunay nga na mahirap talaga ang buhay ng marami sa atin ngayon ngunit marami pa rin ang nagagawang makatulong sa kanilang kapwa sa kabila nito. Hindi kailan man naging hadlang ang edad o estado sa buhay upang tayo ay makatulong sa ating kapwa. 

Kung kaya naman sana ay hindi natin malimutan na marami pa rin ang handang tumulong lalo na sa mga taong masisipag at patuloy na nagsusumikap sa buhay gaano man ito kahirap. Tulad na lamang ng matandang ito na hindi alintana ang panganib na maaaring maidulot sa kaniya ng kaniyang paglalako ng paninda. 

Hindi rin naging hadlang ang kapansanan niya sa mata at ang kaniyang edad makapaghanapbuhay lamang. Talaga namang kakapulutan ng aral ang kwentong ito.

No comments:

Post a Comment