Advertisements

Wednesday, November 24, 2021

Marian Rivera, mayroong “heartfelt message” para sa kaniyang panganay na anak na si Zia para sa ika-anim na taong kaarawan nito!

Marami tayong iniidolo na mga aktres, aktor, singers, dancers, at social media influencers sa bansa. Madalas tayong sumusuporta sa kanila dahil sa angkin nilang talento at sa kanilang pambihirang mga pag-uugali kahit pa nga sila ay mga sikat at kilalang tao na sa kinabibilangan nilang industriya. 

Isa na marahil sa mga personalidad na pinakasusubaybayan natin ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Magmula sa kanilang pagiging magkarelasyon noon hanggang sa pagbuo nila ng sarili nilang pamilya ay talagang nakaantabay tayo. 


Advertisements

Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak, sina Zia, 6 at si Ziggy, 2. Talaga namang namana ng kanilang mga anak ang angking kagandahan at kagwapuhan nila. 

Hindi na nakapagtataka na sa murang edad ay talagang gustong-gusto na sila ng mga tao. Marami na rin silang nagawang mga commercials kung saan mas pinamangha nila tayo sa angkin nilang kabibuhan. 

Nito lamang Nobyembre 23, 2021 ay nagdiwang si Ate Zia ng kaniyang ika-anim na taong kaarawan. Nagbahagi ng ilang mga larawan si Marian ng naging birthday celebration ng kaniyang unica hija.

Mayroon din siyang sweet at heartfelt message para sa kaniyang anak:


Advertisements

“Ate Z turns 6! My precious daughter, may you continue to be a loving, sweet and kind girl. You’re such a blessing to everyone around you. We miss you dada wish you were here to celebrate with us but thank you for working hard for us. We love you anak!” Pahayag ni Marian.

Samantala, nagbahagi naman ng isang video si Dingdong Dantes para sa ika-anim na kaarawan ng kanilang anak at nilagyan niya ito ng caption na:

“Happy 6th Ate Z. When you’re a bit older, I hope you’ll understand why Dada isn’t with you on this special day. For now, I’ll just have to play this over and over till I have you back under my armpits again.”

Mayroong inihahandang proyekto ngayon ang host/actor kung kaya naman malayo siya sa pamilya niya ngayon.

No comments:

Post a Comment