Advertisements

Saturday, November 20, 2021

Maymay Entrata, pinamangha ang maraming celebrities sa kaniyang Wish bus performance!

Si Marydale Entrata o mas hinangaan natin bilang si Maymay Entrata ay 24 na taong gulang na aktes, singer, host, at modelo. Una na natin siyang hinangaan noong 2017 bilang Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7”. 

Taong 2018 naman nang muli niyang ipamalas sa buong mundo ang angkin niyang husay sa pagmomodelo sa naganap na Arab Fashion Week sa Dubai. Matapos nito ay mas marami pang mga proyekto sa harap at likod ng kamera ang naipagkatiwala sa kaniya.

Sa kaniyang edad ay malayo na nga talaga ang kaniyang narating. Ngunit hindi ito kailan man naging dahilan upang lumaki ang ulo niya at maging mayabang. 

Naging kapansin-pansin din kasi ang pambihirang performance niya sa Wish bus. Ito ay isang sikat at kilalang programa na nagtatampok ng mga mahuhusay na singers hindi lamang sa bansa ngunit maging sa ibang panig ng mundo. 


Advertisements

Naitampok dito kamakailan lamang ang awitin ni Maymay na pinamagatang “Amakabogera”.  Mayroon itong magandang mensahe para sa maraming mga Pilipina. 

Marami din ang nabighani sa aktres kung paano niya swabeng kinanta ang may kataasang nota ng awitin niyang ito. Bagamat kinakabahan daw siya dahil live performance ito, hindi pa rin ito nakaapekto sa kaniyang napakagandang performance.

Hindi lamang ito pinusuan ng maraming mga netizens at kilalang celebrities kundi maging ng mga sikat na singers tulad na lamang nina Morisette Amon, Moira dela Torre, Kakai Bautista, KZ Tandingan, Marlo Mortel, Zephanie Dimaranan, at TJ Monterde. 

Samantala, narito naman ang ilan sa mga naging komento ng netizens patungkol sa kaniyang makapigil-hiningang performance:


Advertisements

“Really maymay!!!???? I didn't know na ganito pala ka ganda boses mo! na shocked ako nung nalaman kong ikaw pala ang kumanta nito. Hanap ako ng hanap if sino ba talaga original na kumanta nito! Labyoo maymay! Galing!” Komento ng isang netizen.

“The amount of minor notes and sustained notes in this song, and her precision!!! Galing mo dai. Ikaw na talaga.” Pahayag naman ng isa pang netizen.

“Grabe yung inimprove ni Maymay. Nagulat ako sa live version na to. Ang galing galing!!! Congrats Maymay!! Keep shining laaang!” Saad naman ang isa pang netizen.

No comments:

Post a Comment