Advertisements

Thursday, November 11, 2021

Nadine Lustre, masayang nagbakasyon sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang mga magulang at gwapong "rumored boyfriend" na may-ari ng isang resort!

Minahal at sinuportahan ng publiko ang tambalang JaDine - James Reid at Nadine Lustre. Marami na rin silang pinagsamahang proyekto kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mahulog ang kalooban nila sa isa't-isa. 

Halos apat na taon din ang naging relasyon nilang dalawa. Marami ang nag-akala na mauuwi na sa kasalan at pagpapamilya ang kanilang relasyon ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan. 

Naging mutual decision daw ito ayon sa dating loveteam. Sa kabila nito ay marami pa rin ang umaasa na magkakabalikan pa ang dalawa. 

Ngunit nagkaroon na nga ng usap-usapan patungkol sa bagong lalaking nagpapatibok ng puso ngayon ng aktres. Walang kumpirmasyon mula sa aktres hanggang nito lamang ika-7 ng Nobyembre nang magbahagi ng ilang mga larawan ang ama ni Nadine na si Ulysses Lustre kung saan makikita ang naging pagdiriwang nila ng kaarawan ng aktres para sa ika-28 taong kaarawan nito noong Oktubre 31, 2021. 

Idinaos nila ang simpleng salo-salo nila sa Maison Bukana na isang kilalang “luxury resort” sa Siargao. Matagal nang usap-usapan na ang bagong nobyo diumano ng aktres ay “founder” at “managing director” ng naturang resort.

Binati din naman ni Ulysses ang kaniyang anak para sa kaniyang kaarawan.\

"You're a good daughter, sister and friend. An inspiration, a nature advocate and pride to your fans. I wish for you to continue to grow, inspire and shine. Happy Birthday!” Pagbati ni Ulysses para sa kaarawan ng aktres.

Hindi rin nakaligtas sa mata ng publiko ang diumano ay pagpapatayo ni Nadine ng isang bagong negosyo sa Siargao kung saan nagbahagi din ng ilang mga larawan ng naging “groundbreaking ceremony” si Ulysses. Ayon sa ilang mga nauna nang ulat, hindi raw ito ang unang beses na makasama ni Christophe ang pamilya ng aktres dahil noong kalagitnaan daw ng Oktubre 2021 ay bumisita na siya sa mga ito. 

Sa ngayon ay burado na ang larawan na ito ng French business ngunit nakakuha pa rin ng screenshot ang mga fans ng aktres.

No comments:

Post a Comment