Advertisements

Wednesday, November 10, 2021

Naggagandahan at talentadong mga anak nina Mariz at Ronnie Ricketts, pumukaw sa atensyon ng publiko!

 

Marami tayong hinahangaang artista sa pelikula man o sa telebisyon. Mahuhusay silang umarte, sumayaw o di kaya naman ay umawit. 

Talaga namang hindi natin pinapalampas ang kanilang mga proyekto at talagang todo-suporta tayo sa kanilang mga karera. Hindi natin namamalayan na sa pag-idolo natin sa mga artistang ito ay napapamahal na rin tayo sa kanilang mga mahal sa buhay. 

Dahil sa ating paghanga at pagmamahal sa ating mga idolo ay tila ba napapalapit na rin tayo sa kanilang asawa at mga anak. Tulad na lamang ng batikang aktor at action star na si Ronnie Ricketts. Si Ronnie ay 56 taong gulang na ngayon ngunit mapapansin pa rin sa kaniyang mga larawan online ang pagiging gwapo at matipuno nito sa paglipas ng panahon.

Siya ay ikinasal sa aktres at singer na si Mariz Ricketts o nakilala natin noon bilang si Mariz noong taong 1993. Sa halos 30 taong pagsasama nilang dalawa bilang mag-asawa ay nabiyayaan sila ng dalawang anak na babae sina Raechelle Marie Ricketts, Marella Rosabelle Ricketts. 

Pumukaw sa atensyon ng nakararami ang mga nakakamanghang larawan nina Raechelle at Marella. Talaga namang bagay na bagay silang maging artista din tulad ng kanilang mga magulang kung nanaisin nila. 

Lingid sa kaalaman ng publiko ay pinasok nap ala ni Raechelle ang industriya ng showbiz ngunit hindi ito naging madali para sa kaniya dahil sa talagang nahirapan daw siya sa mga drama scenes. Gayunpaman ay naging napakagandang karanasan at aral nito para sa kaniya. Nais din niyang maging isang “marine biologist” balang araw, mahilig sa pagbibisekleta, work-out at mayroon din siyang kaunting kaalaman pagdating sa martial arts na turo mismo ng kaniyang ama na nakilala sa larangan na ito. 

Tunay nga na napakapalad ng mag-asawa dahil mayroon silang dalawang magagandang mga anak. Sadyang napakaganda ng pamilyang ito na nagsisilbi ring inspirasyon sa maraming mga Pilipino.

No comments:

Post a Comment