Advertisements

Friday, November 19, 2021

Nanay ni Ellen Adarna, nag-sorry kay Derek Ramsay dahil sa pagtulog nito sa kanilang kwarto sa mismong wedding night nilang mag-asawa!

Nito lamang Nobyembre 11, 2021 ay nasorpresa at talagang namangha ang publiko nang masilayan ang napakagandang selebrasyon ng pag-iisang dibdib nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Ang kanilang “sunset wedding” na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ay ginanap sa Rancho Bernardo, isang luxury resort sa sa Bagac, Bataan. 

Talaga namang walang tulak-kabigin ang detalyadong kasalan ng celebrity couple. Magmula sa kanilang mga wedding gown at suit ay talagang napa-wow ang publiko. 

Gayundin naman ay naglaan din sila ng isang tent para sa mga bata na punong-puno ng mga bola. Dito sila nag-enjoy maglaro at nagpalipas ng oras. Ipinasilip din nila sa kanilang wedding video ang nakakatakam nilang mga pagkain at inumin na malugod nilang inihanda para sa kanilang mga bisita. 

Hindi rin makakalimutan ng publiko ang mala-Fairytale na fireworks display at ang nilakaran nila patungo sa kanilang wedding reception na punong-puno ng mga nagniningning na ilaw. Pagkatapos ng mahabang araw ng kanilang kasal ay inakala na ng marami na sa honeymoon na ang deretso ng dalawa. 

Yun pala ay kasama nilang natulog sa kanilang kwarto ang ina ni Ellen na si Meriam Adarna. Natatawa ang bagong kasal sa kanilang viral video kung saan sinabi ng aktor na “no action” para sa unang gabi nila bilang mag-asawa. 

““Love, you know I love you right? Imagine, on our wedding day, our wedding night… ended where I slept with you and your mom.” Natatawang komento ni Derek.

Mayroon ding larawan ng naging mensahe ng kaniyang biyenan para kay Derek:

“So sorry Derek. Had to sleep on your room on your wedding night LOL. The mom-in-law, oh my God, kaloka.” Pahayag ni Meriam Adarna.

Talaga namang napakasarap sa pakiramdam na malapit sa iyo ang pamilya ng taong mahal mo. Hindi madali ang pinagdaanan ng celebrity couple dahil sa kanilang “whirlwind romance” ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin silang matatag at maligaya. 

At ngayon nga ay masayang masaya na sila dahil sa wakas ay naselyohan na ang kanilang pagsasama.

No comments:

Post a Comment