Advertisements

Friday, November 19, 2021

Netizen, ibinahagi ang larawan ng kaniyang pusa na nag-uwi ng bayawak sa kanilang kwarto para sa kaniya!

Madalas tayong makarinig ng mga balitang nakakatuwa at talaga namang napaka-cute pagdating sa ating mga alagang hayop. Mayroong ilang mga aso na nagdadala ng paborito nilang maruruming medyas o di kaya naman ay tuyo na dahon para sa kanilang mga amo. 

Ayon sa ilang mga netizens, nararamdaman ng ating mga alagang hayop kung tayo ay nalulugkot. Kung kaya naman ibinibigay nila ang paborito nilang mga bagay o laruan sa kanilang mga amo. 

Ngunit ano kaya ang iyong gagawin kung makikita mo na ang alaga mong pusa ay dinalhan ka ang bayawak sa loob mismo ng inyong kwarto? Ito ang naging karanasan ng netizen na si Shiellah Vela.

Ibinahagi niya sa “Furr Lovers PH” ang ilang mga larawan ng nakakagulat na regalo sa kaniya ng kaniyang alagang si Ming. Kagigising lamang daw ni Shiellah ng mga oras na iyon at inakala niya talagang butiki lamang ang dala-dala ng kaniyang pusa sa loob mismo ng kanilang kwarto. 

Nang maalimpungatan na siya at magising na daw siya ng tuluyan ay hindi na niya napigilan ang sumigaw nang mapagtanto na isang bayawak pala ang dala ng kaniyang alagang pusa at hindi isang butiki! Bagamat nakakatakot ang pangyayari na ito ay hindi rin naman mapigilan ng iilan na matawa dahil sa nagawa ng isang alagang pusa na magdala mismo ng bayawak sa loob ng kwarto ng kaniyang amo. 

Marami din sa mga netizens ang nagbabala kay Shiellah na baka sa susunod ay ibang hayop na ang dalhin ng kaniyang alaga sa kanilang bahay. Dahil dito ay marami ang nagpapayo sa kaniya na maging maingat siya at bantayan din ang kaniyang alagang pusa na tila mayroong matinding talento sa panghuhuli ng kahit ano. 

Napakasarap sa pakiramdam na maalala tayo ng ating mga alagang hayop na para bang isang tao na nakaalala sa kaniyang minamahal at nagdadala talaga ng pasalubong. Ngunit para sa maraming mga pet owners, masaya na silang nakakauwi ng ligtas ang kanilang mga alaga at hindi na sila dapat pang mag-uwi ng iba’t-ibang mga bagay o hayop.


No comments:

Post a Comment