Advertisements

Wednesday, November 24, 2021

Nobya ni PBB housemate TJ Valderrama, nagkomento na patungkol sa kinasasangkutang isyu ng kaniyang kasintahan!

Kamakailan lamang ay naging mainit na diskusyon online ang diumano ay pagiging masyadong “sweet” at “close” ni PBB housemate TJ Valderrama sa isa pang housemate na si Shanaia Gomez. Napansin kasi ng ilang mga netizens ang paghawak-hawak ni TJ sa dalaga na talaga namang ikinagalit ng maraming mga manunuod. 

Hindi raw ito tama dahil sa babae at bata pa si Shanaia. Gayundin naman ay talagang mayroong malisya diumano ang paghawak ni TJ sa balakang ng dalaga. 


Advertisements

Hindi ito nakaligtas sa mapanuri at mapanghusgang mata ng publiko. Napag-usapan na rin ito ng lahat ng mga housemates at maging sila ay mayroong iisang komento patungkol dito. 

Kung sa mata raw ng mga manunuod ay malisyoso ang ilan sa mga nakita nilang video clip, para daw sa kanila ay sanay na sila sa mga ganitong “closeness” at “sweetness” dahil sa talagang naging malapit na sila sa isa’t-isa at nagturingan na sila bilang isang pamilya. Dahil sa pangyayaring ito ay talagang marami ang nagalit kay TJ, dahilan upang magsalita na ang kaniyang nobya na si Cherry Malaya sa social media account nito.

Narito ang naging matapang na pahayag ni Cherry patungkol sa isyu:

"So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung "closeness" ni Shania at TJ, magiging ok na lang ang lahat? Mga sirulo. The damage has already been done! There's no way you can fix this! At di ako makikipag-meet sa inyo. Si TJ lang ang kailangan kong makausap. PERIODT." Komento ni Cherry.


Advertisements

Hindi na rin niya napigilan pang banggitin ang tungkol sa pamilya ni TJ at hindi na raw naawa ang programa sa kanila. Ang kaniyang ina raw ay mayroong karamdaman. 

Batid daw niyang pinalaking matino at may takot sa Diyos ang kaniyang nobyo lalo na at mayroon pa itong tatlong mga kapatid na babae. 

“Punong puno na ako sa kakulangan niyo!!! Palabasin niyo na yan! Money making bullsht show." Pagtatapos pa ni Cherry sa kaniyang naging post.


No comments:

Post a Comment