Advertisements

Tuesday, November 30, 2021

Singer-actress na si Angeline Quinto, diumano ay buntis na sa panganay nilang anak ng kaniyang non-showbiz boyfriend!

Marami nang mga Pilipino ang talagang kilala sa pagiging isang mahusay na mang-aawit sa loob at labas ng bansa. Kung kaya naman nakaka-proud masaksihan ang kanilang kasikatan at pagtatagumpay sa larangan ng musika. 

Isa na marahil sa pinakakilalang singer sa bansa ay si Angeline Ticman Quinto o mas nakilala natin bilang si Angeline Quinto. Siya ay 32 taong gulang na singer, aktres, at ang kampeon ng “Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar” taong 2011. Noon pa man ay ipinamalas na niya sa ating lahat ang pambihira niyang talento sa pag-awit at ang kaniyang husay sa pagiging isang aktres. 


Advertisements

Ngunit tulad ng isang ordinaryong indibidwal ay humaharap din naman siya sa maraming pagsubok at suliranin. Nobyembre 7, 2020 nang pumanaw ang kaniyang Mama Bob na siyang nag-aruga sa kaniya at umampon. Itinuring siya nitong isang tunay na anak at talagang ramdam ni Angeline ang tunay na pagmamahal sa kaniya ng kaniyang adoptive mother. 

Dahil dito ay mas nagsumikap at nagpursige pa siya sa pagtatrabaho dahil nais niyang ibigay ang lahat ng hiling ng kaniyang ina. Talaga namang ikinalungkot at nangulila ng husto si Angeline sa kaniyang mama Bob. 


Advertisements

Ngunit hindi pa rin niya tinalikuran ang pagkanta gayundin ang paggawa ng mga videos para sa kaniyang YouTube channel. Kamakailan lamang ay mayroong kumalat na ilang mga usap-usapan na diumano ay nagdadalang-tao na si Angge at nais na daw nitong ibahagi ang kaniyang “pregnancy journey” sa publiko

Maging ang “pregnancy kit”, “unang ultrasound”, at ang kaniyang baby bump ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng maraming mga netizens. Ayon din sa ilang mga naunan nang artikulo ay isang taon na ang nakalilipas buhat nang maging magkarelasyon ang singer at ang non-showbiz boyfriend nito.

At ngayon nga ay nakatanggap sila ng napakagandang biyaya mula sa Diyos, ang diumano ay pagdadalang-tao ni Angge. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang naghihintay pa rin ng kumpirmasyon mula sa aktres.

No comments:

Post a Comment