Advertisements

Wednesday, November 24, 2021

South Korean actress na si Park Shin Hye, buntis na sa panganay nila ni Choi Tae Joon!

Hindi maipagkakaila na talagang marami sa ating mga Pilipino ang nahilig na sa panunuod ng mga Korean drama o Korean novela. Hindi lamang kasi ito nakakakilig kundi marami din talagang aral na mapupulot ang bawat isa. 

Sa pagsikat ng Hallyu culture hindi lamang sa ating bansa kundi sa iba’t-ibang panig pa ng mundo, mas maraming mga kultura at tradisyon ng mga Koreano ang ating nasaksihan at patuloy na minamahal. Ilan sa mga interesanteng bagay na ito ay ang mga pagkain mula sa South Korea, at siyempre hindi mawawala ang “Samgyupsal” na talaga namang nasa dugo na ng maraming Pilipino. 


Advertisements

Ang musika, pelikula at maging pagdating sa mga online games ng mga Koreano ay talagang hindi magpapahuli riyan ang mga Pinoy. Maging ang mga pangalan ng mga iniidolo nating South Korean personalities na madalas ay mahirap bigkasin ay nasasaulo pa natin. 

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang ianunsiyo ng agency ni South Korean actress Park Shin Hye na “Salt Entertainment”, nagdadalang-tao na ang aktres sa panganay nilang anak ng kaniyang longtime boyfriend na si Choi Tae Joon, 31. Kaugnay nito ay magkakaroon din sila ng isang “private wedding” sa Seoul sa darating na Enero 2022.


Advertisements

Si Park Shin Hye ay isa lamang sa pinakasikat na South Korean actress ngayon. Una na natin siyang napanuod sa 2013 series na “The Heirs”, “Pinocchio”, at “The Doctors”. Samantala, si Choi Tae Joon naman ay naging bahagi ng mga Korean drama na "Flowers of the Prison" noong 2016 at ng mystery suspense TV series na "Missing 9" noong 2017. 

Bagamat marami ang nagulat at labis na nasorpresa sa balitang ito, mas marami pa rin naman ang natuwa at bumati sa dalawa dahil sa napakagandang balita na ito. Taong 2017 pa ng sila ay maging magkarelasyon kung kaya naman marami na rin ang naghahangad at umaantabay na lumagay sila sa tahimik. 

Hindi na rin naman sila mga bata kung kaya naman tiyak na magiging mabuti silang magulang sa kanilang magiging anak. Congratulations, Park Shin Hye at Choi Tae Joon!

No comments:

Post a Comment