Advertisements

Friday, November 19, 2021

Wedding photo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, usap-usapan ngayon ng publiko!

Marami ang talagang nasopresa nang ibahagi ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang plano nilang pagpapakasal. Kasabay nito ay ang karagdagang sorpresa nila sa kanilang mga tagahanga na sila ay magkakaroon na ng anak. 

Sa ngayon ay maselan kasi ang kalagayan ng aktres na mahigit dalawang buwan na ring nagdadalang-tao. Marami ang talagang nagalak sa balita nilang ito at marami rin din naman ang nagpaabot ng pagbati sa kanilang dalawa. 

Tunay nga na isa sila sa pinakasinusubaybayan na celebrity couple sa bansa at hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang kanilang mga pinagdaanan para lamang matupad ang pangarap nila na magkaroon ng anak. Umabot pa nga sa puntong naghanap na sila ng surrogate sa ibang bansa upang maisakatuparan nila ito.

Hanggang sa malaman na lamang ng aktres na siya nga ay positibo - positibong buntis sa panganay nila ni Dennis. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang engaged couple dahil sa wakas ay magiging magulang na naman silang muli. 

Mayroon anak si Dennis sa dating nobya nito habang si Jennylyn naman ay mayroon ding anak sa dati niyang nobyo na si Patrick Garcia. Kamakailan lamang ay muling nasorpresa ang publiko nang mag-post si Jennylyn Mercado ng isang larawan kung saan nakasuot sila ng pangkasal ni Dennis at nakaharap sa isang opisyal na nagkakasal sa kanila.

Mayroon ding hawak na mga bulaklak ang aktres kung kaya naman mas lumakas ang kutob ng kanilang mga tagahanga na sila nga ay ikinasal na. Ang larawang ito ay agad namang binura sa social media ng aktres. 

Marami ang bumati sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Hindi lamang kanilang mga tagahanga at tagasuporta kundi maging ang kanilang mga kaibigan at kapamilya.

Tunay nga na bagay na bagay talaga sila at hindi na makapaghintay pa ang publiko na masilayan ang kanilang munting anghel. Sino kaya ang magiging kamukha?

No comments:

Post a Comment