Advertisements

Friday, November 19, 2021

Xian Gaza mayroong mensahe sa nanay ng kaniyang unica hija: “I don't want you in my life”

Naging maingay ang pangalan ni Xian Gaza ng mga nagdaang araw. Ito ay matapos niyang magbigay ng mga blind items patungkol sa mga sikat na celebrities.

Umani din siya ng samu’t-saring mga komento mula sa publiko. Hindi rin nagpaawat ang social media personality na magbigay ng mensahe para sa nanay ng kaniyang unica hija. 

Naging matapang at hindi katanggap-tanggap ang ilang mga salitang binitawan niya kung kaya marami na namang mga netizens ang nagagalit sa kaniya. Ayon sa mahaba niyang post, matapos niya raw pag-isipan ang mga bagay-bagay, napagtanto daw niyang siya pala talaga ang may mali at may pagkukulang. 

Hindi raw niya naitrato ng tama si Sydge dahil ito ang nanay ng kaniyang unica hija. 

“She is the very opposite of my ideal woman. I hate her personality from A to Z.” Pahayag ni Xian.

Nagkakilala raw sila taong 2018 at naging personal assistant niya ito sa maraming mga bansa hanggang sa nabuntis niya ito. “Chemical romance” kung ilarawan niya ang naging relasyon nilang dalawa hanggang sa inabutan raw sila ng lockdown sa Singapore at doon sila napilitang magsama sa ilalim ng iisang bubong. 

Pinilit daw niyang panindigan ang bata ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang lahat. Para daw siyang bagong laya ng maghiwalay sila at talagang nakaramdam niya ng “relief”. Sampung buwan na raw ngayon ang bata ngunit hindi pa rind aw niya tanggap na mayroon siyang anak kay Sydge. 

Pagod na rin daw siyang magpanggap na kaya niya siyang papasukin sa buhay niya dahil lang may anak sila. Kung kaya naman mula raw sa mga oras na iyon ay hindi na ito makikipag-usap pa sa kaniya at magpapadala na lamang ng P50,000 bilang sustento sa kanilang anak.

Nilinaw din nitong ang anak nila ang magiging lehitimong tagapagmana niya at gagawan raw niya ito ng sarili niyang trust fund.

No comments:

Post a Comment