Advertisements

Monday, December 6, 2021

AJ Raval, binasag na ang kaniyang katahimikan patungkol sa pagkakasangkot niya sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga!

Nakilala ang aktres na si AJ Raval bilang anak ng sikat at batikang action star noon na si Jeric Raval. Ang kaniyang ina ay isa ring aktres na si Alyssa Alvarez kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na naisin niya ang pagpasok sa industriyang kaniyang kinalakihan. 

Ngunit marami nang mga netizens ang nagtataas ng kilay sa kaniya matapos siyang masangkot sa naging hiwalayan diumano ng dating mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Mayroon silang dalawang anak kung kaya naman ganoon na lamang ang galit ng publiko nang kumalat ang ilang mga larawan nina AJ at Aljur na sweet na sweet na namimili sa isang mall. 


Advertisements

Makalipas lamang ang ilang buwan ay mayroon na namang isyung kinahaharap si AJ kung saan diumano ay nililigawan siya ng aktor na si Diego Loyzaga. Siya naman ang 26 na taong gulang na anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano. 

Maaalalang naglabas ng kaniyang saloobin ang nobya ni Diego na si Barbie sa naging panayam sa kaniya noong Nobyembre 28 ng batikang host na si Boy Abunda. Hinamon din niya ang aktres na si AJ na magsalita na patungkol sa kumakalat na isyu. 

Ilang linggo ring inabangan ng publiko ang magiging sagot ni AJ sa mga akusasyon ni Barbie na kung hindi siya kabit ay magsalita siya sa isyu patungkol sa kanila ni Diego. Ayon naman sa ilang mga nauna nang artikulo, nag-social media detox ang dalaga kung kaya naman hindi niya batid ang mga naging pahayag ni Barbie.

Nito lamang nang ipapanuod sa kaniya ng kaniyang personal assistant ang naturang panayam ni Barbie.

“Yes po, napanood ko. Pinapanood po sa akin ng personal assistant ko kasi po wala na po akong update sa social media. Nag-detox po talaga ako ngayon kaya hindi ko po alam ’yong mga nangyayari. Tapos pinapanood lang sa akin ’yong video,” Pahayag ni AJ.

“Nu’ng oras po na ’yon parang nagtaka rin po ako saan po galing ’yong ganu’ng issue. Hindi naman din po ako nagalit. Parang wala lang po. Wala po akong reaction. Tapos parang gusto din po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganu’n. Alam naman po nilang dalawa na hindi totoo ’yon.” Paglilinaw pa ng aktres.

Para kay AJ ay wala naman daw siyang ginagawang masama kung kaya naman talagang may “peace of mind” siya.

“Si Diego po hindi po. Never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng De@th of a Girlfriend. Ayon lang po. Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila kay Diego. Hindi po kami nag-uusap. Parang one year ago huling usap ko po kina Barbie at saka isang beses ko lang din po nakita si Barbie. Parang Hi, hello lang po. So, wala po talaga kaming connection.” Paglilinaw pa ni AJ.


Advertisements

Sa ngayon ay kinumpirma din niyang wala silang relasyon nang nauna nang na-link sa kaniya na si Aljur.

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag uusap lang naman po kami. Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin. Sa akin naman po, parang lesson na lang po ’yong nangyari. Marami po akong realization. Also, I think it’s part of the process of growing in showbiz. Sa nangyari po na ’yon mas naging responsible po ako sa mga sini-share at pino-post ko dahil hindi po lahat maiintindihan or pipiliin unawain ’yong sitwasyon ng iba. Sa ngayon, parang pareho po kaming may dapat may i-prioritize, may mga problem na dapat unahin… inuuna po namin ’yong mga bagay na yan,” Komento pa ni AJ.

No comments:

Post a Comment