Advertisements

Friday, December 10, 2021

AJ Raval, inamin na nagpadagdag ng dibdib noon ngunit nais na ring ipatanggal sa susunod na taon?

Kahit pa nga nasa modernong panahon na tayo ngayon, marami pa ring mga Pilipino ang nagtataas ng kilay kapag “pagpaparetoke” o di kaya naman ay “pagpapadagdag” ang pinag-uusapan lalo na para sa mga sikat na artista. Ang tingin kasi ng marami sa mga artista ay perpekto at wala nang dapat pang ipabago. 

Sa oras na malaman ng publiko ang ginawa nilang pagpaparetoke o pagpapadagdag ay tila ba nababawasan ang paghanga nila sa mga ito. Tulad na lamang nang ibinunyag ni AJ Raval kamakailan lamang. Maaalalang naging mainit na usap-usapan si AJ nang mga nagdaang buwan hindi lamang dahil sa kaniyang pagpapaseksi kundi dahil na rin sa pagkakasangkot niya sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica na kalaunan ay napatunayan namang hindi niya talaga kasalanan dahil bago pa man sila magkakilala ng aktor ay nagdesisyon nang maghiwalay ang dating mag-asawa. 

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas at muli na naman siyang nadawit sa relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial matapos siyang ilarawan bilang isang kabit ng aktres. Kung wala raw talagang katotohanan ang isyu sa kanila ni Diego at para patunayan na hindi siya kabit at dapat daw itong magsalita na.


Advertisements

Pinagpiyestahan ito ng maraming mga netizens ngunit kalaunan ay naresolba na rin ang isyu at nagkapatawaran ang magkabilang panig. At nito lamang Disyembre 9, 2021 sa virtual media conference ng “Crush Kong Curly” ay ipinagtapat ni AJ na siya ay nagparetoke ng kaniyang dibdib noong nakaraang taon lamang.

"Last year, nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natural na po sa akin yun. Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko." Pag-amin ni AJ.

”Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious. Planning po ako next year na ipatanggal,” Pagbabahagi pa ng aktres.

Maliban sa pagpapadagdag ng dibdib noon, ang nais naman niyang ipaayos sa ngayon ay ang kaniyang balat.


Advertisements

“Kung may ipapabago po ako, yung skin ko po, kasi sobrang conscious po ako sa skin ko. Malikot po ako noong bata ako. Lagi po akong nadadapa tapos ngayong age ko po na ito, mahilig ako sa mga activity, jetski, Muay Thai, ATV… lagi po akong nasusugatan. Lagi po akong nagkakaroon ng pasa. So, gusto ko po ipa-enhance yung skin ko,” Paliwanag naman ni AJ.

No comments:

Post a Comment