Advertisements

Friday, December 24, 2021

Andi Eigenmann, ipinagtanggol ang fiancé na si Philmar Alipayo sa mga nag-aakusa ditong nagnakaw raw ito ng donasyon para sa Siargao! Ang hindi alam ng marami ay handang gumastos ng sariling pera niya si Philmar makatulong lamang sa kaniyang mga kababayan doon!

Si Andrea Nicole "Andi" Guck Eigenmann ay 31 taong gulang na aktres, modelo, at social media influencer. Kung noon ay isa siyang sikat na artista, ngayon ay mas pinili niyang manirahan sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang pamilya. 

Naninirahan sila sa kinalakihang bayan ng kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer. Kasama niya ang kaniyang panganay na anak na si Ellie, anak niya sa dating karelasyon na si Jake Ejercito. 


Advertisements

Mayroon na rin silang dalawang anak ni Philmar, si Lilo at Baby Koa. Ang YouTube channel nilang “Happy Islanders” ay mayroon nang higit sa 2.41 million subscribers. 

Dito madalas mag-upload ng mga videos si Andi. Simple at masaya ang pamumuhay nila sa isla. Walang magagarang damit, magagarang sasakyan at gaanong gadgets pero labis ang kagalakan nilang mag-anak lalo at magkakasama sila roon.

Ngunit kamakailan lamang ay hinagupit ng matindi ang isla ng bagyong Odette. Talagang napakaraming mga kabahayan ang nasira at maraming mga tao ang nawalan ng tirahan. 

Ayon sa ilang mga ulat ay nasa apat na oras din ang pila sa mga gasolinahan at maging sa bilihan ng inuming tubig. Sa kasagsagan ng sakunang ito ay nagpahayag ng kaniyang mensahe si Andi para sa mga taong nag-aakusa kay Philmar na diumano ay nagnakaw daw ito ng donasyon para sa Siargao! 

Isang mabigat na akusasyon lalo na dahil batid ni Andi at ng mga tao roon na si Philmar mismo ang gumagawa ng paraan upang makatulong. Mayroon din daw kakayanan ang kaniyang fiancé na maglabas ng pera mula sa kaniyang pinaghirapan at nais daw itong gawin ni Philmar upang matulungan ang kanilang mga kababayan doon.

“@chepoxz (Philmar)  just got back to Siargao and left me and the kids behind with a heavy heart in order to go and see our family and see what more we could do to help.

“When he got a seat on the @sunlight_air plane as volunteer, we also asked beforehand if he was allowed to bring some boxes with him so he could readily bring food and other essentials to his family and our loved ones there. They said yes,” Pahayag ni Andi.


Advertisements

“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored hos chance to use his platform to ask for them, since he’s willing to use his own money just to help our community out,”pagtatanggol ni Andi sa kaniyang fiancé.


No comments:

Post a Comment