Advertisements

Sunday, December 12, 2021

Angeline Quinto, ibinunyag na ang ama ng kaniyang baby ay mayroon nang anak sa ibang babae!

Inabangan ng publiko ang pagpapaunlak ni Angeline Quinto ng panayam patungkol sa usap-usapang siya raw ay nagdadalang-tao na. Agad naman niyang inamin sa naging exclusive interview sa kaniya ni Boy Abunda na ang kaniyang ipinagbubuntis ay limang buwan na. 

Sa Abril 2022 ay nagsisilang na siya ng panganay nilang anak ng kaniyang non-showbiz boyfriend. Marami talaga ang nagulat sa usap-usapang ito dahil nga matagal na ring walang karelasyon si Angeline at madalas ay napapanuod lamang siya sa kaniyang vlogs. 


Advertisements

Sa ginawa niyang pagbabahagi ng biyayang ito ay marami ang talagang bumati sa kaniya ay nagbigay ng magagandang komento. Setyembre daw nang taong ito nang malaman niyang siya ay buntis na. 

Noong una ay hindi pa raw niya alam kung paano malalaman kung positibo o negatibo ang resulta ng kaniyang pregnancy test dahil nasanay daw siya sa mga Swab testing kits. Hindi rin niya batid kung paano at kanino niya muna ipapaalam ang nakakagulat ngunit napakagandang balita na ito.


Advertisements

“Tito Boy, natakot ako noong una kasi, sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan yung positive at negative sa pregnancy test, kasi nasanay ako sa swab. Ang tagal ko sa CR noon, hindi ako makalabas ng CR. Iniisip ko lang, sinong unang sasabihan ko. Sa bahay, wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako. Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko. Pero bukod naman doon, yung takot na pagiging nanay o sa bata, wala naman." Pagkukwento ni Angge.

Ibinahagi na rin niya na ang kaniyang non-showbiz boyfriend ay mayroon nang anak sa ibang babae ngunit kahit pa medyo kumplikado ito ay tinanggap din naman daw niya ng buong puso dahil talagang mahal niya ang kaniyang nobyo.

“Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya. Sinabi din naman niya sa akin, Tito Boy, yung tungkol sa mga past niya, kasi po meron din siyang anak sa ibang babae. Hindi naman ako nagtanong kahit alam ko na. Hindi ako nagtanong, siya mismo [ang nagsabi].” Pahayag ng singer.

No comments:

Post a Comment