Advertisements

Wednesday, December 8, 2021

Derek Ramsa, sinabing mas naging perpekto ang buhay niya ngayon dahil kay Ellen Adarna at Elias Modesto!

Sa panahon natin ngayon na talagang laganap na ang social media at halos bawat isa sa atin ay talagang madalas nang magbasa sa mga online platforms, hindi na rin maiiwasan ang pagkalat ng maraming kuro-kuro at haka-haka lalo na sa mga sikat na personalidad. Hindi lamang mga artista kundi maging mga atleta, pulitiko, at maging mga beauty queens. 

Wala na talagang maitatago ngayon sa publiko. Dahil na rin dito ay marami nang nabansagang Marites na itinatawag lamang sa mga tsismosang updated sa bawat ganap ng kanilang kakilala, mga kapitbahay at mga idolong artista. 


Advertisements

Hindi nakaligtas sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa mga panghuhusga at pambabatikos na ito. Maraming nagsasabing masyadong naging mabilis at maaga ang desisyon nilang magpakasal. 

Iilang mga netizens din naman ang nagsasabing maaaring mauwi sa hiwalayan ang relasyon nilang ito dahil hindi ganoon katagal nilang nakilala ang isa’t-isa. Ngunit para sa bagong kasal na sina Ellen at Derek ay walang maaaring makatibag sa kanilang pagmamahalan.

Palagi nilang ipinaparamdam sa isa’t-isa na talagang tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan. Sa katunayan nga ay nagbahagi pa ng isang napakasweet na mensahe si Derek para kay Ellen at sa kaniyang anak na si Elias.

“My life has been great but now that you and Elias are in it, it’s perfect. I love you baby,” Komento ng aktor para sa kaniyang asawa at step son nito.


Advertisements

Talaga namang maraming mga netizens ang kinilig at namangha sa pahayag na ito ng aktor. Hindi rin kasi madali ang makahanap ng taong mamahalin ka ng totoo, maging ang iyong anak sa una mong mga naging relasyon. 


Ang aktor ay mayroon na ding 18 taong gulang na anak sa dati niyang asawa na itinuturing ding anak ni Ellen ngayon. Sa ngayon ay marami na ang nasasabik na malaman kung kailan magkakaroon at mabibiyaan ng anak ang mag-asawang Ellen at Derek.

No comments:

Post a Comment